Chapter 20: Crestfallen

1.3K 39 2
                                    

Chapter 20: Crestfallen

*Hershien's POV*

[5:00 pm]

Nagising kami ni Ayesha, magkasabay na nag-unat ng mga paa at kamay at lumabas na rin agad ng kwarto para magmeryenda.

Pumunta kami sa dining room at ipinaghanda kami ni Ate Yani ng makakain, dumating na rin naman si Anne at sumabay na siya saming kumain.

"Ate Sha, bakit nandito ka?" tanong ni Anne kay Ayesha habang nasa mesa kami at kumakain.

Si Ayesha at si Anne ay magkatabi ng kinauupuan.

"Pati ba naman ikaw? Hindi na ba talaga ako welcome sa bahay niyo?" sagot ni Ayesha habang nakasimangot at parang naghi-hysterical

"E' kasi minsan ka na lang pumupunta dito sa bahay hindi kagaya no'ng dati na araw-araw." Anne replied pagkatapos ay sumubo ng pagkain.

"Parati kasing busy si Shien kaya hindi na ako pumupunta dito this past few days. Pumunta talaga ako dito ngayon para samahan kayo, I know kasi na wala yung parents niyo, dito nga ako matutulog ngayon." tugon ni Ayesha, habang tinutusok-tusok ng tinidor yung pagkain niya.

"Ang bait mo naman Ate Sha, dito ka talaga matutulog? mukhang magiging masaya ang gabing 'to."

Parating sinasabi ni Anne saken na masaya daw kasama si Ayesha, ang dami daw kasing nalalaman na jokes kaya magka vibes silang dalawa.

"Girl Talk slash Slumber Party na lang tayo!" Ayesha exclaimed.

"Alam niyo bilisan na lang natin kumain para matulungan na rin natin si Ate Yani, para payagan niya tayo diyan sa Girl Talk slash Slumber party na sinasabi mo. " suggest ko sa kanilang dalawa.

Hindi naman namin itinuturing na ibang tao si Ate Yani, we threat her like our neighbor, siya yung pinagkakatiwalaan ni mommy kaya nga simula no'ng bata pa kami siya na yung kinamulatan naming magandang Nanny. Matagal na siya dito samin, siya nag-alaga sakin simula ng sanggol pa lang ako.

"Naku Ate, tama ka diyan bilisan na lang natin." sagot naman ni Anne.

Kaya pagkakain namin tumulong na kami kay Ate Yani sa mga househod chores para madali siyang matapos. 

At dahil nga sa tumulong kaming tatlo agad kaming pinayagan ni Ate Yani.

*8:00pm*

[The Girl talk slash Slumber party]

"Saan ba tayo? sa kwarto ko o sa kwarto ni Anne?" I asked them.

"Sa kwarto mo na lang Ate para huwag nang magulo yung kwarto ko." sagot ni Anne. Matalino talaga 'tong Kapatid ko.

"Sige do'n na lang tayo sa kwarto ni Shien." sabat naman ni Ayesha.

Ok lang naman saken kung sa kwarto ko, si Anne kasi ayaw niyang magulo ang kwarto niya.

"Ok, if that's what you truly want." I answered tapos magkakasama na kaming naglakad  papunta sa silid ko.

Anyway malaki naman yung kwarto ko kaya kahit  10 pa kami do'n ayos lang.

Dala-dala namin yung mga junk food at yung pop corn, manunuod daw kasi kami ng movie after ng Girl talk.

Sa loob ng kwarto naghanap na kami ng kanya-kanyang pwesto, mag-uusap na daw muna kami. Ako ay nahiga na lang sa kama, nakatagilid  at nakatingin sa kanila.

Si Ayesha nakaupo sa couch naka indian sit habang si Anne naman nakaupo sa tabi ko.

"Oh' magkwento ka na Shien." sabi ni Ayesha sabay tapon saken ng unan. Mukhang gusto niya agad ng pillow fight.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now