Chapter 43: La Cosa Nostra

89 3 0
                                    

Chapter 43: La Cosa Nostra

*Curfiel's POV*

Matagal na kaming binigyan ng Mafia Academy ng isang misyon. It will be our last mission before we can graduate as a real MAFIA.

Ngayon kasi isa akong acting caporegime (captain/leader) pero hindi pa naman talaga ako ganap na isang leader kailangan meron pa akong gawin at patunayan para maging isang totoong caporegime. And sooner I will be on top of the hierarchy, that was my dream of my beloved father. Even we owned and manage the school there are still stakeholders who wanted to stop the reign of Nymford family. I know that my father did everything just to have a big share and manage the school.

La Cosa Nostra is the name of our administration. We followed different rules in order to protect the safety of this secret school.

Here are some rules that we are obliged to follow.

SEPTEM SONTICUS REGIT
(Seven Critical Rules)

Omertà" – the oath or "code of silence"; never say anything to authorities Kahit patayin ka nila o pahirapan Ka dahil kasalanan mong nahuli ka. Concealing the existence of this school  is the top priority.

"Bloodline" – only men from the original descent through their fathers' lineage are allowed to become full members (made men). Associates, partners, allies etc. have no ethnic limits. Kaya hindi pwedeng maging totoong Mafia leader ang hindi original member nito. Lahat ng nasa Mafia Academy ay may dugo na talagang Mafia.

"Family secrets" – members are not allowed to talk about family business to non-members.

"Blood for blood" – if a family member is killed by another member, no one can commit murder in revenge unless the boss gives permission. (this rule is applied outside the school, because inside Mafia Academy you can kill anyone you want.)

"Inlove by blood" - members are prohibited to marry a non-blood Mafia, in order to still continue the lineage. (if this is done there are several punishment that the Mafia Boss will consider)

"Skills to Kills" - members must hone and learn a lot of combating skills as well as the use of weapons such as various types of firing arms, swords and other deadly weapons to secure kills.

"Dulcet Visage" – members were not allowed to grow beard and  mustaches: As much as possible be good-looking in the eyes of the public.

Kahit na hindi namin sinusunod ang karamihan sa batas ng mga sibilyan, meron din naman kasi kaming sariling batas na sinusunod at pinapahalagahan.

Pinagsabay namin ang preparation nito at nong sa concert nina Shien.

Nag hati-hati na kami sa gawain ng Crucifix Six at si Jao. Oo, sasali na din sa last mission namin si Jao, siya nga yung may pinakamaraming, kasi habang nag-pa practice kaming sumayaw at kumanta si Jao ang naghanap at humagilap ng mga impormasyon tungkol sa National Bank na aming pagnanakawan.

Nakuha na niya ang floor plan ng bangko pati na rin kung saan nakalocate ang mga cctv at kung anong klase ito pati ang power source at kung anong uri ng vault ang gamit ng nito.

Nalaman niya na din kung anong eksaktong oras ang pag-ikot ng mga gwardiya at ang mga posibleng pwedeng daanan namin para sa pagtakas. Ibinigay na niya iyon kay Xandro Vaughn para mabilis na niya itong mahack kapag kami ay pupunta na roon.

Si Jao Quinn ay isang sa pinaka magaling mangalap ng impormasyon isa siyang legend. Isa sa pinaka matalinong tao na na kilala ko.

Siya ang nagiging dahilan ng pagtakas namin, hindi naman talaga namin kailangang pumatay. Pumapatay lang kami kapag wala na talagang choice.

"Hoy Curfiel! Bilisan mo na!" sigaw ni Brett Pearson na nasa labas na ng bahay nag-aantay sakin. Kasama niya na rin yung ibang member ng Crucifix Six at si Jao.

"Heto na!" sagot sabay karga ng back pack sa likod ko.

Ngayon na kasi yung araw para isakatuparan ang mga plano naming pag kuha sa pera.

Alam kong magiging matagumpay 'to. Gusto ko na agad na matapos' to dahil gusto ko ng magkaroon ng quality time kasama si Hershien.

Dalawang araw na rin kasi ang nakalipas simula nong pasko, naglaan ako ng dalawang araw ng pagtitiis na hindi siya makasama, feeling ko nga isang buwan na.

Pagkatapos nito, mas marami na rin naman akong oras para sa kanya.

Sumakay na kami ng kotse, dalawang kotse ang gamit namin ngayon.

Bumaba si Nagel Ehll Montgomery sa isang building Ilang milya rin ang layo sa bankong pagnanakawan namin.

Ang plano ay dun siya pupwesto sa pinakatuktok ng building upang kami ay bantayan dahil kapag mahuhuli na kami ay babarilin niya na lang gamit ang sniper rifle na ibinigay ko sakanya.

Kasama niya dun si  Prince Sky na bihasa  rin gumamit ng baril. Dalawa silang back up namin.

Isang kotse na lang gamit namin, pumunta na kami sa location kung saan malapit yung bangko at nag-aantay ng tamang oras.

*1:00am*

Naiwan si Jao sa kotse upang mag bantay kung may mga paparating at balaan kami.

Kasama ko ngayon sina Zhaic, Brett, at Xandro. Nag-umpisa na silang buksan ang isang lalagyan kung saan naroroon ang power source at yung iba pang wires ng CCTV, ang nag bukas non ay si Zhaic na maraming alam sa electrical engineering.

Merong dalang laptop si Xandro, agad niya na rin itong na-connect dun upang mahack ang mga cctv at kung ano pang surveillance camera na meron ang bangko.

Nagpatuloy kami, dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa may gilid ng bangko. Alam ko na magaling ako mag bukas ng mga bagay na nakasarado kagaya ng mga pinto at vault pati yang puso mo kaya ko ring buksan.

Gamit lang ang isang maliit na wire at hairpin madali kong nabubuksan ang mga pinto. And if there is a door that used smart lock Xandro can digitally hack it with ease.

"Oras na para mag tago tayo" pabulong na sabi ni Brett.
Yun na din kasi ang oras ng pag-ikot ng mga gwardiya kaya naman ay nag tago kami sa isang madilim na sulok, Di rin naman nila kami madaling makikita dahil nakasuot din kami ng itim.

Lumagpas na samin yung mga gwardiya at pa tuloy pa rin kami sa maingat na paglalakad patungo sa vault.

*To be continued...

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon