Chapter 24: On Bed Now!

1.5K 34 3
                                    

Chapter 24: On Bed Now!

*Hershien's POV*

Thanks that I already satiated my cravings and quenched my thirst. Nakauwi na kasi kami dito sa bahay ni Curfiel, nakakain na rin ako at nakainom ng malamig na tubig. Tinulungan namin ni Curfiel ang isang nawawalang batang lalaki- si Diael, ang cute cute niyang bata he is like an angel that fell down straight from the heaven.

Buti na lang at hindi sinapian ng kasamaan si Curfiel at pumayag siya na samahan namin si Diael hanggang sa mahanap namin ang kanyang mga magulang, ay teka yung ina niya lang pala kasi iniwan na sila ng kanyang ama.

I was laughing inside because I saw Curfiel blushing when we held each other's hand while he was carrying Diael. HAHAHA. Siguro nahihiya siya, pinagtitinginan kasi kami ng mga tao. I was a little bit ashamed din pero request yun ni Diael kaysa naman sa patuloy siyang umiyak.

"Mongol! Halika dito sa kwarto ko!" biglang sigaw ni Curfiel, pumunta kasi siya agad sa kwarto niya pagkarating namin dito sa bahay nila.

Kaya naman ay tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at tumungo na papunta sa kanyang silid.

Kumatok muna ako sa pinto at nag-aantay ng kanyang pahintulot.

"Pasok ka." wika ni Curfiel.

Binuksan ko na 'yong pinto at nakita ko si Curfiel na nakaupo sa swivel chair, nakaharap sa computer. Nagtataka ako kung ano ang  kanyang ginagawa. Seryoso kasi siyang nakatingin sa monitor.

Lumapit ako sakanya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakadungaw mula sa kanyang likuran.

"Nagbabasa." matipid na sagot niya.

"Ano ba yang binabasa mo?" I asked then I tried to read the article showing in the screen.

"Cosa Nostra Academia: A School for Mafia?" binasa ko pa yung mga nasa baba. "Special Chapter: Taming the beast." ipinagpatuloy ko lang yung pagbabasa.

"Yuck! ang bastos-bastos naman niyang binabasa mo Curfiel, rated SPG. Ang baboy mo." sabi ko kay Curfiel at itinigil ko na yung pagbabasa.

"Mukha mo baboy!!"

"Teka, bakit mo ba ako pinapunta dito?" I inquired as if I haven't read a part of the story awhile ago. Habang nag-aantay ng sagot ay naupo ako sa kama niya sapagkat malapit rin naman iyon

"Wala, gusto ko lang makasama ka." sagot niya.

Baliw na ba siya? malala na 'to si Curfiel. Hala? baka dahil sa binabasa niya kung anu-ano na ang iniisip niya, kung anu-ano nang pumapasok  at tumatakbo sa utak niya.

"Pwede na ba akong umalis? doon lang naman ako sa baba, hindi pa naman ako uuwi."

"Hindi pwede! dito ka lang sa loob ng kwarto ko para samahan ko." sagot niya at lumingon siya papunta sa direksyon ko, nakatingin siya ng masama sakin at ang kanyang mga mata'y naging matulis.

Yumuko na lamang ako. I can't looked straight into his flaring eyes.

"O sige dito lang po ako." sagot ko na lang sakanya, hindi niya naman siguro ako... ano ba 'tong iniisip ko. Syempre hindi niya magagawa yun dahil sisipain ko siya ng pagkalakas-lakas.

Hindi na siya umimik, ipinagpatuloy niya lang ang pagbabasa.

Nagbabasa rin pala siya sa wattpad. Hindi ko alam ang story na Cosa Nostra Academia, hindi naman kasi sikat o kaya kilala ang author no'n. Ang kilala ko lang ay sina HYSTG, Alyloony, Alesana_Marie, Purpleyhan, Simplychummy at Aril_daine.

The Seven Princes of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon