Chapter 11: Go and Multiply

1.5K 35 8
                                    

Chapter 11: Go and Multiply

*Hershien's POV*

Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.

I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabutan ng menstruation.

Pagkakuha ko ng aking backpack agad na akong naglakad papalabas ng bahay.

At pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto...


"Ang tagal mo naman ate, kanina pa ako dito." biglang sabi ni Anne na may bitbit na ring bag.


"Bakit ka may dalang bag? Ba't ang aga mong nagising?" gulat na pagkakatanong ko sa kanya.

"Syempre sasama ako sa'yo, gusto kong bantayan ka ate lalo na nung nalaman ko na ganun pala talaga kasama ang ugali ni Curfiel." my sister explained habang nakapamewang pa. Parang mas matanda talaga siya saken kung mag-isip.


Wala na akong magagawa, nag explain na siya at wala talaga akong magagawa sa pagiging makulit niya.

"Ok, if thats what you want, ang akin lang naman kasi Anne, mas mabuti kasing nandito ka lang sa bahay."I said with a persuasive voice while holding her hands.

"Alam mo ate ayos lang naman saken yun, mas hindi ako mapapakali dito sa bahay kung alam kong nahihirapan ang kapatid ko. Mahal kita ate, ikaw lang ang nag-iisang kapatid ko , kaya ayokong mapahamak ka." Anne answered emotionally.

Natouch naman ako sa sinabi ng kapatid ko. Ngayon niya lang kasi sakin sinabi na mahal niya ako. Kaya naman niyakap ko na lang sya. I'm so thankful na siya ang naging kapatid ko.

"Ate ang drama mo naman, sunday ngayon , walang MMK."pagbibirong sabi ni Anne.

"Halika na nga." sabi ko sa kanya, then hinawakan ko yung left hand niya.

Naglakad kami papalabas ng bahay na magkahawak kamay. Ito ang sinasabing PDA. Hindi lang naman kasi magboyfriend/girlfriend ang pwedeng mag PDA, as long as nagmamahalan kayo pwede yun.

Sumakay na kami ni Anne sa Taxi. Hindi naman kasi ako pwedeng magdrive ng kotse kasi wala pa akong driver's license at yung driver namen wala, babalik daw siya sa Tuesday pa dahil nagkasakit daw yung asawa niya.

Sa harap ng bahay nina Curfiel, We rang the bell ng napakaraming beses. Ang init na, sunog na sunog na kami dito dahil sa sikat ng araw, wala pa naman akong payong na dala.

"Ang tagal naman nila Ate, eh' kung buksan na natin yung pinto? hindi naman nakalock  eh'" Anne requested.

Napag-isip-isip ko na baka binuksan na nila yun dahil alam nilang babalik kami ni Anne, kaya naman pumasok na kami sa gate.

Naglakad na kami diretso sa pintuan ng kanilang bahay at pumasok na rin dun dahil iniwan ring nakabukas. Wala talagang tao, kaya umakyat na kami ni Anne ng 2nd floor papunta sa kwarto ni Curfiel, wala rin kasi si Ate Keirsten.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now