Chapter 33: Vengeance in Vain

378 17 2
                                    

Chapter 33: Vengeance in Vain

*Hershien's POV*

We were inside my bedroom plotting an evil plan on what to do to Curfiel.

"Dahil wala tayong magawa ngayon takutin na lang natin si Curfiel. We will be happy and he will be afraid ang masamang balak ni Ayesha.

She had a blank paper on her left hand and a red ballpen on her right hand. Nagdudrawing siya kung ano ang mga dapat naming gawin. Si Anne at Paine kasi kahit hindi pa sila nakakasagot na gusto nila ng plano bakas na agad sa kanilang mukha ang galak at kasabikan.

We've waited in my bedroom until the hands of the clock strike at exactly 11:00 pm then we got our props and costumes, the long snow-white cloth, ice cubes inside a bowl, fan, flashlight, coconut husk and lighter/match.

Dahan-dahan kameng pumunta malapit sa kwarto ni Curfiel. Binuksan namin ng bahagya ang pintuan, buti na lang at hindi ito nakalock. Itinapat namin yung bowl ng ice cubes sa maliit na bukas ng pintuan sabay paypay ng malakas dito upang mas lumamig ang hangin sa loob ng kwarto niya.

"Ba't biglang lumamig?" mahinang pagkakasabi ni Curfiel sakanyang sarili at mula sakanyang bewang mas itinaas niya pa ang kanyang kumot hanggang leeg.

Halos mabaliw kaming apat sa kakatawa habang pinagmamasdan siya. Pagkatapos no'n hinila na namen ng marahan yung pinto at isinara.

Lumabas kami ng bahay at ini-ready ang tuyong balat ng niyog. Tumapat kami malapit sa bintana ng kwarto ni Curfiel at sinindihan ang tuyong balat ng niyog gamit ang lighter. Yung usok daw ang magsisilbing smoke effect namin. Para kaming mga magnanakaw sa sarili naming bahay dahil sa pinag-gagawa namin.

Ipinasuot nila saken yung mahabang puting-puting tela at mas kinapalan ang foundation sa aking mukha. Kinatok nila yung malaking bintanang salamin upang mapalingon at tumingin doon si Curfiel at itinulak nila ako upang maglakad sa harap ng bintana. I walked slowly while the wind blew hard and fast together with the thick smoke as Paine used the flashlight to make my face even brighter and whiter. I don't think that Curfiel will be frightened of what we are doing.

I saw in the very corner of my eyes, Curfiel covered his face using the blue blanket. Tapos bigla na akong naglaho sa kanyang paningin.

"Success! natakot ko siya." sambit ko sa kanilang tatlo.

"Bakla yata yun si Curfiel eh'" Paine muffled.

"Porket natakot bakla agad? syempre lahat naman tayo may kinatatakutan." I mumbled defensively.

"Uyy... si Shien ayaw maging bading si Curfiel." saad ni Paine.

Pagkatapos no'n bumalik kami sa loob nang bahay at muling sinilip si Curfiel na nakatalukbong pa rin ng makapal na asul na kumot, mukhang masyado yata siyang kinilabutan sa ginawa namen eh white lady effect pa lang yun. Bukas daw kapre mode naman kami at si Paine ang napili namen na maging kapre dahil panget daw at mukhang lalaki.

-End of Hershien's POV-

*Curfiel's POV*

Habang nakatalukbong ako ng kumot hindi ko mapigilan ang tumawa dahil yung apat na babae ay pilit akong tinatakot hindi ba nila alam na isa lang ang kinatatakutan ko yun ay ang mawalay ako sa piling ni Shien.

Being something scary doesn't suit the beauty of Hershien. I didn't feel any fright, watching her face so beautifully pale and white. Hindi ako natakot sakanya bagkus mas na-cute-an ko pa siya, meron rin pala siyang tinatagong kabaliwan sa loob-loob niya.

Ano kayang pumasok sa isipan nila at tinatakot nila ako? Gusto ba nilang paalisin agad ako sa bahay na'to? Bukas kaya anong plano nila? Tatakutin pa kaya nila ako? pero gagawa na ako ng paraan para huwag na nilang gawin yun, mapupuyat lang si Shien kawawa naman siya.

Kinabukasan habang kumakain kami ng agahan nina Anne, Shien at ng kanyang mga kaibigan agad akong nagsalita.

"Nakita niyo ba yung napakagandang white lady kagabi?" sabi ko sabay subo ng fried rice at tocino.

Nagsisikohan pa sila kung sino ang sasagot.

"Hinde eh' tulog na tulog na kasi kami no'n." sagot ni Anne at tumingin siya kay Shien na nakangiti lamang. Halatang-halata na ngsisinungaling siya, e' ang lalaki kaya ng eyebags nila.

"Ah ganun ba? tumalukbong nga ako ng kumot para pigilan ang sarili ko." sagot ko na parang walang alam na sila ang gumawa no'n.

"Pigilan ang sarili mo saan?" tanong ni Hershien.

"Na mabaril yung white lady, alam niyo kasi nagagalit talaga ako kapag may nang-iisturbo sa pagtulog ko." I replied, tapos biglang nagkumpol-kumpol yung tatlo na parang mga batang nag-uusap. "At tsaka hindi naman ako natatakot sa masamang elemento o espiritu kasi mas masama pa ako sa kanila kung magalit." dagdag ko pa habang nag-uusap pa sila.

They huddled for a couple of minutes, they were discussing seriously. I know they became afraid to what I've said. After several minutes they dispersed and continued eating breakfast again.

Pagkatapos nilang kumain, ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan nila hindi na rin naman kasi masakit ang katawan ko.

-End of Curfiel's POV-

Please don't forget to vote and follow.

Thank You and Godspeed!

-Z. Potter

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now