Prologue

1.7K 62 2
                                    


           P R O L O G U E

Umiinom ako ng tsaa habang nakatingin sa labas ng bintana dito sa bahay namin. It's been 2 years since I left on my real home. Dito ako nagsimula ulit, nag-aral hanggang sa natapos ako at naging grand ambassador dito sa Korea at syempre dito narin ako nagbago. Not totally, but I assure to myself that I change a lot.

"Mr. Greffin, sabi po ng daddy niyo na uuwi na po daw kayo sa Philippines next week." sabi sakin ni Grey. He's my assistant at the same time my friend.

"Okay. Just book me a flight." sagot ko sa kanya. Naramdaman kong lumapit siya sa gilid ko.

"Are you ready to face her again?" tanong niya. Napalingon naman ako sa kanya.

"Of course. Sa totoo nga wala na akong nararamdaman pa para sa kanya." sagot ko ulit. Napangiti si Grey sa sagot ko at tinap bigla ang balikat ko.

"Actions speak louder than words, Mr. Greffin. I gotta go." sabi niya bago umalis.

What's wrong with him? Tss.

Basta ang alam ko, sa loob ng 2 years. I forgot my feelings for her. Kung magkrus man ulit ang landas namin? I don't think if our love would deserve a second chance again.

I can't wait to go home.



------

Ang bagal talaga ng lalaki na 'yun! Kahit kailan ang hilig niyang magpahintay.

Nakita ko siyang hinihingal na nagbibisekleta patungo sakin. Grabe parang ang layo naman ng tinutunguhan namin.

"Ang bilis mo naman, Franz." sabi niya sakin ng nasa gilid ko na siya.

Kasalanan ko bang mabagal siya?

"Natural, nagrarace tayo diba? Ano? Isa pa? Kita tayo dun malapit sa seaside. Manonood tayo ng sunset. Dalian mo, pagong! Hahaha!" sabi ko sa kanya at nagbike na palayo sa kanya. Narinig ko pa siyang naiinis dahil pagod na daw siya.

Habang dinadama ang hangin na dumadampi sa mukha ko ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Dalawang taon narin ang nakalipas. Hindi ko alam na mangyayari pala ang lahat ng ito, yung maging isang malaya na tao na pinapakita na sa kararamihan ang totoong tayo. Ang saya lang!

Una akong nakarating sa seaside. Huminto ako sa may gilid ng kalsada at bumaba sa bisekleta. Nakahawak ako sa bisekleta ko habang nakatingin sa araw na palabog na.

(Ang scene po na ito ay nasa multimedia.)

Naalala ko siya bigla. Simula nung araw na umalis siya ay hindi ko na siya nakita pang muli. Siguro, pinaglalaruan talaga kami ng tadhana. Kung magkukrus man ang landas namin ulit, ay masasabi kong may pangalawang pagkakataon pa ang pag-ibig naming dalawa.

"Grabe ka naman, Franz. Nang iiwan ka nalang lagi." sabi nitong lalaking kararating lang.

"Eh sa gusto mo lagi kang nagpapahintay eh. Alam mo naman ayaw ko sa mga hinihintay." sagot ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya at lumapit sakin.

"Oh talaga? Kaya pala hanggang ngayon hinihintay mo pa siya, na sana magkrus ulit ang landas niyo." sabi niya sakin. Susuntokin ko na sana siya sa dibdib ng bigla kong naalala ang noon. Naalala ko ang pagiging gangster princess ko noon.

"Che! Tara na nga, tapos na ang sunset. Bagal mo kasi." singhal ko sa kanya at sumakay sa bisekleta ko.

"Hoy, kararating ko lang tapos aalis na agad? Ano bang problema mo sakin?" sigaw niya sakin. Huminto ako at liningon siya. Nginitian ko siya at binelatan.

Sana kung magkita kami ulit ay.....


Mahal niya parin ako.



***

Crossing Paths book 2 is now started. Please read and spread this. Thankyou.

#CrossingPathsOfficiallyStarted

Crossing PathsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant