Forty

59.6K 547 13
                                    

Ang mabangong amoy ng pagkain ang gumising kay Ram. Agad siyang nakaramdam ng gutom ngunit ayaw pa sana niyang bumangon nang bigla niyang maalalang maaga pa pala ang pasok niya ng araw na iyon. Napilitan siyang mag-unat ng katawan at saka bumangon.

As expected, he found Hana in the kitchen, busy preparing their breakfast.  She looked sexy on his shirt, the shirt he gave him one month ago or so. It became her favorite "night gown" ever since. She paired it with shorts na hindi na halos makita dahil mas mahaba pa iyong t-shirt niya kaysa suot nitong shorts. His eyes feasted on the perfectly shaped legs that seems to extend until forever. Nakatalikod ito kaya't wala itong kamalay-malay na pinagpipiyestahan na ng mga mata niya ang mga legs nito.

Her legs were among his most favorite parts of her body. Just staring at them could arouse him in an instant --- just like now. Yes, Hana still had this strong sexual effect on him. Ang buong akala niya'y mawawala din ang ganoon kalakas na epekto nito sa kanya after a couple of weeks of sleeping and having sex with her. But it has been quite a month already since they consummated the marriage but the effect was still there. It was still strong. Stronger, perhaps. Hana can still awaken the manly needs in him without exerting any effort. She can easily turn him on kahit na wala naman itong ginagawa. 

"Gising ka na pala. Kumain ka na. Maaga pa pasok mo today, 'di ba?" anito habang naglalapag ng pagkain sa mesa.

Lumapit siya dito at saka niyakap ito mula sa likuran. He's hungry but he had other things in mind. "Ang bango naman ng food. Nakakagutom. But know what makes me hungry more?" he asked as he sniffed on her hair.

"Ano ba, Ram. Mali-late ka na naman niyan." Inalis nito ang mga kamay niya sa pagkakapulupot sa bewang nito at saka ito umalis upang kumuha ng malamig na tubig sa ref.

He was just watching her.

"Ano pang inaantay mo diyan? Umupo ka na," anito sabay lapag noong pitcher ng tubig at baso sa mesa.

"Yes, boss," he mockingly said. 

Hindi ito sumagot.

"Wala kang pasok today, 'di ba?" aniya habang kumakain.

"Yup," anito habang may kung anu-anong inaayos sa lababo.

"Mamaya na 'yan. Join me here."

"Mauna ka na," anito habang busy pa din sa kung anu-ano.

"Wala kang lakad mamaya?"

"Meron. Pupunta lang kami kina Gem. May gagawin kaming project."

Gem's brother had left for States a couple of weeks ago so it doesn't bother him anymore if she goes to their house.. 

"What time kayo matatapos nang masundo kita?"

"Wag na. Magko-commute nalang ako."

"No, I insist. Wala naman akong gagawin later. Susunduin nalang kita para huwag ka nang mahirapan sa pag-uwi." Medyo nasanay na din kasi siyang hinahatid-sundo ito. He had come to accept the fact that it's part of his responsibilities as her husband. It was his way na din to thank her for doing all the chores in the house.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon