Twenty One

66.9K 643 19
                                    

"Seryuso?" Nanlaki ang mga mata ni Ava nang ikuwento diya dito ang pagyaya sa kanya ni Ram ng kasal... at ang pag-oo niya.

Tumango siya.

"Grabe, Hana, pahimas naman at nang maambunan ako kahit na konti niyang nag-uumapaw mong charm." Pabiro nitong hinimas ang kanyang braso.

Ngumiti lang siya.

"O, ba't parang 'di ka masaya? Ba't parang Biernes Santo 'yang mukha mo? 'Di ba dapat masaya ka? Akalain mo 'yon? Pinag-aagawan ka ng dalawang nagwagwapuhang boylets! Grabe, Hana, ako ang nai-excite para sa'yo. Rapunzel na Rapunzel ang peg mo!"

"Tama bang pumayag akong magpakasal kay Ram?" aniya.

"Oo naman. 'Di ba siya naman talaga ang gusto mo? Hitting two birds with one stone, 'ika nga. Maipapagamot mo na tatay mo, magiging asawa ka pa ng ultimate "love of my life" mo. Ang swerte-swerte mo, friend, grabe!"

"Ba't 'di ko maramdaman 'yon?"

"Ang alin?"

"Na maswerte ako?"

"Ha? Baketch?"

"Kasi 'di naman ako mahal ni Ram. Gusto lang niya akong pakasalan para makaganti kay JM. Kung natuturuan lang sana ang puso, ano? 'Di sana'y si JM nalang ang minahal ko. At least siya, sure ako, mahal niya ako." Nalulungkot din kasi siya 'pag naaalala ang hitsura ni JM noong nalaman nitong pumayag siyang pakasalan si Ram.

"Grabe, ang drama mo, gurl! Pang-MMK lang ang ang peg mo."

"Naaawa ako kay JM, Ava. Hindi niya deserve ang lahat ng 'to. Ang bait-bait niya sa akin, tapos ganito lang ang gagawin ko sa kanya. 'Di ba ang sama ko?" Parang gusto niyang umiyak.

"True. Sayang din si JM, ano? Aminin natin, mas mabait siya kaysa kay Ram. Mas gentleman. Mas responsable. Pero ganoon nga yata ang buhay, hindi ka pwedeng mamili ng mamahalin. Well, ikaw, nasa sa'yo naman ang choice. Sino ang pipiliin mo? Iyong taong mahal ko pero 'di mo naman feel? O iyong taong mahal mo pero kebs naman sa damdamin mo?"

Napa-buntong-hininga siya.

"Eh, kung 'di nalang kaya ako mamimili? Kung wala nalang kaya akong pakasalan sa kanilang dawala?"

"Pano si tatay mo? Pano kayo hahanap ng pampaopera sa kanya?"

Muli siyang napabuntong-hininga.

"Hay, naku, mag-aalas-otso na pala, Hana. Kailangan ko nang umuwi sa'min. Baka hinahanap na ako ni Mother Dear. Babalik ka ba'ng ospital? Sa'n ka ba matutulog ngayong gabi?"

'Dito lang ako matutulog. Nanakawan kasi kami ng manok noong isang gabi kaya kailangan ding may tumao dito paminsan-minsan. Iti-text nalang daw ako ni Nanay 'pag kakailanganin niya ako doon."

"Ah, okay. Sige, babush. Ingat ka na lang dito, oki? Saka 'wag masyadong mag-isip. Hayaan mong ang problema ang mamubreelam sa sarili niya."

Natawa siya.

Inihatid niya ito sa labas ng bahay nila. Saktong nakaalis na ito noong dumating ang isang kotse. Si Madam Aurora ang lulan nito kasama ang isang driver. Bigla siyang kinabahan. Narito kaya ito para pagalitan siya? Eh, kasi siya ang dahilan kung bakit nag-aaway ang dalawang anak nito.

"Honestly, Hana, masaya ako't 'di ka pumayag na magpakasal kay JM. She deserves someone better than you," anito noong nasa loob na sila ng bahay nila.

Ouch! Ang harsh naman ni Madam. Narito ba ito para insultohin siya?

"He deserves someone who can love him back the way he loves you. Mahal ka ni JM, alam ko. Pero alam ko ring wala kang nararamdaman para sa kanya. Babae din ako. Alam ko kung kailan may gusto ang isang babae sa isang lalaki at kung kailan wala. I was scared. Natakot akong baka sagutin mo si JM kahit na wala ka namang nararamdaman para sa kanya. Na baka sa kagustuhan mong mapabuti ang buhay mo, eh, pumayag kang pakasal sa kanya. Kawawa naman ang anak ko 'pag nagkataon. He would live a life of misery. Having a wife who doesn't love him back would be hard. And he doesn't deserve that. He deserves a wife who can love him as much, or twice, as he loves her."

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon