Forty One

61.5K 550 23
                                    

"So he's going to start courting you, right?" ani Gem kay Hana.

Nagkibit-balikat lang siya.

"What, Ate Hana? Nag-agree ba si Ram? Were you able to force him into courting you?"

"Hindi ko nga alam. Parang hindi yata. 'Di niya feel. Stupid daw. Nonsense. Ridiculous. Mag-asawa na naman daw kami, ba't pa daw niya ako liligawan?" aniya dito.

Ideya kasi nito ang i-dare si Ram na ligawan siya. Alam na nito ang tungkol sa tunay na sitwasyon nila ni Ram. Agad namang nawala ang galit nito sa kanya. Bagkus ay  ito pa ang nag-offer na tulungan siyang makuha  ng tuluyan ang loob ni Ram. Silang dalawa ni Chloe ang may pakana nitong Operation: Paamuhin si Ram. Medyo natatawa siya sa ideya noong una pero sa kalaunan ay nagustuhan din niya. Mas maigi na rin itong may masasabihan siya sa tunay na nararamdaman niya sa buhay mag-asawa na meron siya. Hindi katulad dati kinikimkim lang niya sa sarili lahat.

"You have to try harder. Magpakipot ka kasi, Ate Hana. He should never feel that no matter what happens, you will always be there. Na kahit na anong gawin niya, na kahit balewalain ka pa niya, you will always be there for him. Mali 'yon. He will never realize your worth if that's the case."

"I agree, Ate Hana," ang sabat naman ni Chloe. "Dapat magpa-hard-to-get ka din. Hindi porke't mag-asawa na kayo pwede na niyang gawin lahat ng gusto niyang gawin sa'yo. At na pwede ka na niyang balewalain kahit anong oras niya gusto. Mali yun."

"And to make that happen, you have to make him see your worth. You have to make him realize na pwede ka ding mawala sa kanya," Gem continued.

"Pano?" aniya.

"You have to make him realize na pwede kang magsawa sa sitwasyon niyo one of these days, na pwede kang ma-inlove sa iba. Kung 'di lang ako naaaawa kay Kuya Gio, I should have allowed you to use him para pagselosin yang asawa mo. Kaso, ayoko ding masaktan 'yong kuya ko. He really likes you, you know."

Napangiti siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap ng personal si Gio. Umalis kasi ito bago pa siya nabigyan ng pagkakataong mag-explain dito ng personal. Hindi tuloy siya personal na nakahingi ng sorry dito.

"Pahirapan mo siya, Ate Hana," ang muling sabat ni Chloe. "I-push na natin 'yang ligaw-ligaw na 'yan. Ipakita mo sa kanyang determinado kang magpaligaw sa kanya. Wag mo siyang pansinin hangga't hindi ka niya nililigawan. Feeling ko, may gusto din naman sa'yo 'yang asawa mo, eh. Pakipot lang. Kasi kung hindi ka niya gusto, hindi iyon magre-react nang ganoon noong nakita ka niyang kayakap ni kuya Gio."

"I agree," ani Gem. "He was so jealous with Kuya Gio! At magseselos ka lang naman kapag mahal mo ang isang tao, right?"

"True."

"Ay naku, binibigyan niyo naman ako ng false hope, eh," aniya sa mga ito. 

"Totoo 'yon, Ate Hana. Pasasaan ba't luluhod din sa harapan mo 'yang asawa mong 'yan. Gagawan natin 'yan ng paraan. Tiwala lang," ani Chloe.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon