Seven

72.7K 675 2
                                    

"Ako ho?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Hana sa class adviser nila.

"Oo ikaw, Hana. Ikaw ang napili kong representative ng klase natin para sa darating na Mr. & Ms. San Gabriel National High School."

"Naku, ayoko ho, Ma'am. Nakakahiya. Iba nalang po," aniya.

"Anong nakakahiya, eh, maganda ka naman. Ang tangkad mo pa. 'Tsaka matalino ka din naman. Ano nga palang talent mo? Magaling ka bang kumanta? Sumayaw? Acting kaya?"

"Naku, Ma'am. Ayoko po talaga. Hindi po ako sanay sa ganyan," ang muli niyang tanggi.

"Kaya nga, para masanay ka. Kung hindi ngayon, kailan pa? Sayang naman 'yang height mo kung 'di mo irarampa. Alam mo bang may potensiyal kang maging modelo in the future?"

Nambola pa.

Iiling-iling siya. "Ayoko po talaga, Ma'am."

"Sige, ibabagsak kita."

Napatingin siya sa guro. "Seryuso po kayo? Bawal naman po yata 'yon," aniya.

"Siyempre joke lang 'yon," anito. "Teka. Pano ba kita mapapapayag, ha? Ganito na lang. Plus 2 points ka sa overall grade mo sa subject ko this grading. Okay na ba 'yon?"

Hmmm. Pwede na.

"Yon lang po?" aniya.

"Ang kulit mo talaga. Sige na nga, exempted ka na din sa PTA project natin for this school year. Hindi ko na pagbabayarin ang mga magulang mo para dun sa cabinet na ipapagawa natin. Sagot ko na ang share mo."

Napangisi siya. Siyempre good news 'yon. Siguradong matutuwa ang mga magulang niya kapag narinig iyon. Mahirap lang naman kasi sila. Nakikisaka lang ang Tatay at Nanay niya sa lupain ng iba. Malaking bagay na ang huwag siyang pagbayarin para doon sa project nila.

"So okay na? Ngingiti-ngiti ka na diyan, eh," anang guro niya.

"May problema pa po, Ma'am," aniya.

"Ano na naman?"

"Wala po akong gown, customes, sapatos, make-up --- "

"Ako nang bahala dun," ang putol nito sa sinasabi niya. "Ang kailangan mo nalang gawin ay ang ipanalo ang klase natin."

"Talaga? Wow! Ang galing! Ikaw na, Hana! Ikaw na ikaw na talaga!" ang bulalas ni Ava noong ikuwento niya dito ang tungkol sa napag-usapan nila ng class adviser nila. Lunch noon at naroon sila sa isa sa mga bench na nakakalat sa iba't-ibang parte ng school ground. Nakadungaw sa kanila ang isang matandang puno ng duhat kaya hindi mainit. Iyon ang favorite tambayan nila sa buong campus.

"Napilitan lang talaga ako kasi bibigyan ako ni Mrs. Garcia ng 2 points kapag pumayag ako. Ta's ii-exempt pa niya ako doon sa bayad para sa PTA project," aniya.

"Well, dapat ka naman talagang pumayag kasi 'di hamak naman kasi na ikaw ang pinakamay "K" sa klase natin. Baka nga ikaw pa ang manalong Ms. SGNHS," anito.

"Yan ang gusto ko sa'yo, eh. May tiwala ka sa'kin."

"Aba siyempre, sino pa ba naman ang magbobolahan," anito.

"Tange!" aniya at sabay silang natawa. "Hulaan mo kung sino ang magiging partner ko?" tanong niya pagkuwan.

"Sino?"

"Si Johan."

"Ah."

"So okay lang sa'yo?"

"Oo naman."

"Di ka magseselos?"

"Bakit naman ako magseselos?"

"So talagang wala ka nang nararamdaman para sa kanya? Talagang pinanindigan mo na ang paghanga doon sa antipatikong Ram dela Francia?"

Nag-isip muna ito ng sandali bago sumagot.

"Parang ganoon nga yata, eh. Ewan ko ba kung bakit 'di ako natu-turn off sa kagaspangan ng ugali ni Ram. Tila lalo pa akong nai-inlab sa kanya."

"Naku, malala na 'yan. Pa-check up ka na," aniya.

"Tange!" anito.

Sabay silang natawa

"Eh, 'yong representative ng first section ng fourth year? Alam mo kung sino?" Ito naman ang nagtanong.

Umiling siya. "Sino?" 

"Si Andrei lang naman!" anito.

Naramdaman niya ang panlalaki ng kanyang mga mata. "Talaga?"

"Talagang-talaga! Ibig sabihin, eh, makakasama mo siya sa mga practice! Ayiie! Grabe, kinikilig ako! Todo na 'to!" anito.

Nakatili na rin siya. 

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon