Twenty Four

59.4K 619 19
                                    

Nakaawang ang pintuan ng silid na kinaroroonan ni Hana kaya't 'di nito napansin ang pagpasok niya. Nakatayo ito sa harapan ng full-length mirror habang itinatapat sa sarili ang bitbit na wedding gown.

Napangiti siya habang mataman itong tinititigan. She would look perfect on the gown, he bet. Hana would be the prettiest bride ever.

Sumandig siya sa door jamb at pinag-krus ang mga braso sa kanyang dibdib. He was enjoying the view.

Walang anu-ano'y umikot si Hana sa harapan ng salamin. Noon nito napansin nito ang presensiya niya. Nagulat ito na naging dahilan kung bakit nalaglag ang hawak nitong gown.

Lumapit siya dito at saka pinulot ang nalaglag na wedding gown.

"Baka masira 'to. Lagot ka kay Mama, mahal 'to," ang pabiro niyang wika.

Hinablot nito ang gown mula sa mga kamay niya.

"Anong ginagawa mo dito?" anito.

"Sa pagkakatanda ko, eh, bahay namin 'to. Natural lang naman sigurong umuwi ako dito."

"Pilosopo." Sumimangot ito at saka umupo sa isang gilid ng kama upang tupiin ang gown. Mukhang ibabalik nito iyon sa box na pinaglagyan dito.

"At sa pagkakatanda ko rin, eh, naiwan dito 'yong bride ko. Kailangan ko siyempreng balikan, baka maunahan ako ng iba."

Nagtaas ito ng mukha at saka tumayo.

"Ah, tuloy pa pala ang kasal. Akala ko kasi, eh, hindi na." Bitbit ang box na pinaglagyan ng wedding gown ay naglakad ito papunta sa isang sulok ng kwarto. She then laid the box on top of the antique mahogany table.

Pabagsak siyang umupo sa gilid ng kama. "Bakit? Gusto mo na bang b-um-ack out?"

Humarap ito sa kanya. Nakapamaywang.

"Kailangan ko pa bang b-um-ack out kung naka-back out ka na?"

"At sino namang nagsabing gusto kong mag-back out?"

"Ikaw!" 

"Ako?"

"Hindi ka nga nagpapakita dito, 'di ba? So anong gusto mong isipin ko? Na tuwang-tuwa ka at super excited sa nalalapit nating kasal? Kaya 'di ka halos umuuwi dito? Kaya pinapabayaan mo akong mag-isang asikasuhin ang lahat? Ganoon? Alam ko namang iba ang dahilan ng pagpapakasal nating ito, eh. Tanggap ko naman 'yon, eh. Pero kailangan mo ba talagang ipagdiinan sa pagmumukha ko na napipilitan ka lang pakasalan ako? Kailangan mo ba talagang ipamukha sa buong San Gabriel iyon?" Nanginginig ang boses nito. Para itong naiiyak.

Tumayo siya at hinarap ito.

"I know what I want, Hana. Maaring hindi usual ang dahilan ng pagkakasal nating ito but that doesn't change the fact that I still want to marry you. Maaaring hindi ako ang pinakamatinong dela Francia pero may isang salita akong tao. I kept my promise. You should learn to trust my words."

Hindi ito nakasagot. Tumitig lang ito sa kanya. Her eyes were dazzling with what look like unshed tears. She rapidly blinked her eyes to drive the tears away.

"And for the record, this is not the way a bride should welcome her groom after weeks of being apart from each other. The least that you can give your groom is a welcoming kiss."

She rolled her eyes. 

"Kiss-kissin mo 'yang mukha. Ni hindi mo nga halos ako makuhang i-text, hihingi-hingi ka diyan ng kiss. Ano ka, sinuswerte?"

He laughed out loud. He missed her, he realized.

"Tatawa-tawa pa 'to. Labas ka nga at magbibihis ako!" She was pushing him towards the doorway.

"Why? Makikita ko din naman 'yan sooner or later. What's the big deal?"

"Eh, pano kung maisipan mong mag-back out? Eh, 'di lugi ako?"

Muli siyang natawa. Mas malakas this time. "Wais ka talaga."

"Ako pa!" she said as she closed the door right on his face.

Hindi siya agad umalis doon. He stared at the closed door for a while then yelled. "Huwag mong isusukat ang gown! Baka 'di matuloy ang kasal!"

"Eh, pakialam mo kung 'di matuloy? Wala ka namang ginastos!" she yelled from inside the room.

"Meron, no! Yung singsing mo, binabayaran ko pa 'yan hanggang ngayon! Mahal 'yan! Mga isang buwan ko pang pagtatrabahuan 'yan!"

He was about to walk away when she opened the door.

"Nagtatrabaho ka?" anito. She looked surprised.

"Yeah, of course. Pano ko naman mababayaran 'yang singsing na suot mo kung hindi ako raraket, di ba? Why do you look so surprised?"

"Kaya ka nagpipirmi sa Maynila?"

"Basically, yes. But don't expect anything big. Hindi ako nag-oopisina doon. I am just having a part-time job sa bar ng friend ko. The salary is not huge, though. It is just enough for me to get you a decent engagement ring. That's the least that I can give you."

Hindi ito sumagot. Sa halip ay inisang hakbang nito ang distansiyang namamagitan sa kanila, tiptoed, wrapped her arms around his neck and planted a quick kiss on his lips. And before she can backed out, he grabbed her waist, pulled her closer to him, and deepened the kiss.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon