Twenty Five

62K 596 10
                                    

"So, you see, Hana? Ram had changed a lot since he decided to marry you. He had never worked before. Note even a day. He's one irresponsible son. Pero tingnan mo naman ang nangyari, nag-part time job siya sa bar ng friend niya para lang maibili ka ng singsing? That's sweet, honey." 

Nakatitig si Hana sa magandang mukha ni Madam Aurora. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang magiging biyenan niya ito.

Naroon sila sa kuwarto niya, pinuntahan siya nito, kinamusta. Bukas na kasi gaganapin ang kasal nila ni Ram. Noon niya naikuwento ang tungkol sa pagpa-part time job ni Ram sa Maynila para maibili siya ng singsing. At tila tuwang-tuwa ang ginang sa nalaman. 

"I'm telling you, Hana. Nasa sa'yo ang pag-asa ng anak ko para tumino. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa anak ko but I'm thankful, nonetheless. Masaya ako't sa wakas, mukhang magkakaroon na rin ng direksiyon ang buhay ni Ram. I was so worried about that kid."

"Nagpapasalamat din ho ako sa inyo. Utang ko po sa inyo ang buhay ng Tatay ko," aniya.

"Don't thank me, Dear. Saka ka na magpasalamat 'pag tuluyan nang gumaling ang tatay mo. I actually feel bad at hindi sila makakadalo bukas. I'm sure mas magiging masaya ka kung nandidito sila bukas."

Nalungkot siya sa naalala. Hindi kasi makaka-attend ang Nanay at Tatay niya bukas. Nasa Maynila na kasi ang Tatay niya para sa napipinto nitong operasyon. Naka-schedule na kasi ang kasal nila noong mai-schedule ang operasyon ng Tatay niya.

"Okay lang po 'yon. Ang importante po'y gagaling si Tatay," aniya.

"I'm praying for his fast recovery, Dear." Ginagap nito ang kamay niya.

"Salamat po, Madam."

"Anong Madam? Call me Mama!"

"Eh, nakakahiya po, eh."

"Anong nakakahiya doon? You call me Mama. I insist."

"Sige po," aniya kahit hindi niya ito ma-imagine na tinatawag na Mama.

Napalingon siya sa may pintuan. Bahagya itong nakaawang kaya nakikita niya mula sa loob ng silid kung gaano kaabala ang lahat para bukas. Gusto nga sana niyang tumulong pero hindi pumayag si Madam Aurora. Magpahinga na lang daw siya.

"I told Ram not to come here," anito. "Hindi magandang magkita ang bride at groom sa bisperas ng  kanilang kasal. Lumang pamahiin."

"Okay lang po," aniya.

Pero ang totoo'y gusto niya itong makausap. Madami siyang gustong itanong dito. Gusto niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang bago sila ikasal. 

Napabaling sila nang may kumatok sa pintuan.

"Nandidito na po si Sir JM, Madam," anang isa sa mga katulong.

Bigla siyang kinabahan. Mag-a-attend pala ng kasal nila si JM. Hindi man lang niya alam.

Pero ano ba naman ang ini-expect niya? Siyempre, kapatid nito si Ram. Mag-a-attend talaga ito.

"I better leave you, Hana. Pupuntahan ko lang si Juan Miguel."

"Ah sige po, sige po. Wala pong problema."

"You stay here. Magpahinga ka. Hindi magandang tingnan ang haggard na bride," anito bago lumabas ng kwarto.

Humiga siya nang lumabas ang ginang. Muli niyang naalala si Ram. Hindi pa kasi niya ito nakakausap mula kaninang umaga. Ano kaya ang iniisip nito ngayon? Hindi kaya ito nagdadalawang-isip?

Biglang nag-beep ang CP niya Hinagilap niya ito. Halos inabot din siya ng dalawang minuto bago niya iyon nai-unlock. 

"Lecheng touch screen 'to. Ang hirap gamitin," aniya sa sarili.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon