Twelve

66.6K 614 10
                                    

Nagpalinga-linga si Ram. Hinahanap niya si Hana. He knew that she was here. He had seen her a few minutes ago.

It was his graduation day. Akalain mo 'yon? Nakatapos siya ng fourth year ng walang problema gayong noong nasa Maynila pa siya nag-aaral, lagi siya nasasangkot sa gulo.

It was all because of Hana.

Ayaw man niyang aminin, hindi maikakailang nagbago ang pananaw niya sa buhay dahil dito. Madami itong pina-realize sa kanya. She made him realize how lucky he was. She made him realize that he can actually do something good like push his father to construct a new school building and to fix the school's water system issue. She made him realize that San Gabriel wasn't that bad at all. And most of all, she made her realize na pwede din pala siyang magkagusto sa isang laking San Gabriel.

Yes, he liked Hana. Na-realize niya ang bagay na iyon noong nanalo itong Ms. SGNHS.

She was impressive, lalo na doon sa Question&Answer portion. Why, not everybody possessed the courage to slap the reality unto JM's face. Hindi lahat ay may lakas ng loob para ipamukha sa pamilya nila kung gaano ka-inutil ang Papa niya bilang Mayor ng San Gabriel. Pero nagawa iyon ni Hana. Naipamukha nito sa harapan ni JM at ng Papa niya mismo, sa harapan pa ng maraming tao, kung gaano nagkulang ang Papa niya bilang mayor.

She was truly something. Gusto niya ang pagiging matapang nito. Parang siya lang. Kaya siguro niya ito nagustuhan. Kasi pareho sila. Sinasabi nila kung ano ang mali. Kesyo may magalit. 

Pero pinakana-realize talaga niyang may gusto siya dito ay noong nakita niya itong kahawak-kamay si Andrei. Si Andrei kasi ang nanalong Mr. SGNHS. And watching them together on-stage caused him to feel something odd. Nagselos siyang bigla. Only then that he realized na selos din iyong naramdaman niya noong "ikinasal" ang dalawa sa Marriage Booth. That he actually meant what he said when he said that he likes her. Na hindi slip of the tounge ang nangyari.

And today's the day para sabihin niya dito ang tunay niyang nararamdaman. If he won't do it today, baka hindi na siya magkaroon ng chance para magtapat dito. He's going back to Manila after graduation.

Kaya mamaya, pagkatapos ng graduation ceremony nila ay kakausapin na niya ito. He'll let her know that he was beginning to really like her. Hindi naman siya umaasa ng kung ano. Sapat na sa kanya ang masabi dito ang nararamdaman niya. Hana was still young. Silang dalawa, actually. At kahit na sa Maynila na siya halos lumaki, ni minsan ay hindi pa siya nagkakaoon ng isang serious relationship. Puro fling-fling lang.

Ang tagal bago natapos noong graduation ceremony nila. He kept checking if she was still there. Baka kasi bigla itong mawala. Mapurnada pa ang plano niya.

Noong matapos ang program ay ito ang unang-una niyang hinanap. Kaso, 'di na niya ito matagpuan. Nag-worry siya. Baka umuwi na ito sa kanila. Ganoon pa man, hinanap pa din niya ito.

"Congrats!"

It was Ava. Hana's best friend. May dala itong maliit na box na natatalian ng blue na ribbon. She was handing it to him.

Alam niyang may gusto ito sa kanya. 'Di naman kasi siya manhid. But she's not her type kaya hindi niya ito bibigyan ng false hope. Si Hana ang gusto niya. 

"Si Hana? You saw her?" aniya, completely ignoring the box she was holding.

"Ha?" ang tila nahihiya nitong wika.

"Hinahanap ko si Hana."

"Si Hana?" She looked disappointed.

"Oo, si Hana. I wanna talk to her. Have you seen her?"

Sumimangot ito sabay baba noong box na hawak nito. Mukhang na-realize na din nitong wala siyang balak tanggapin iyon.

"Nasa banda doon." May ininguso ito.

Hindi na siya nag-abalang mag-thank you dito. Agad na niyang pinuntahan iyong direksiyong ininguso nito. He was excited and nervous at the same time.

Natagpuan niya si Hana sa loob ng isang bakanteng classroom. Biglang dumoble ang kaba niya. He was about to approach her when he realized that she was not alone. May kasama ito. Si Andrei.

"Gusto kita, Hana. Matagal na. Bago pa mag-foundation week, gusto na kita. Bago pa tayo "ikasal", may pagtingin na ako sa'yo."

Napatda si Ram sa kanyang narinig. Si Andrei? Nagtatapat ng pag-ibig kay Hana? Tama ba ang naririnig niya?

Pinanghinaan siya bigla ng loob. She liked Andrei. Alam iyon ng buong klase nila. It would be useless kung malalaman nito na may gusto din siya dito kung nagtapat na ng pag-ibig ang matagal na nitong crush.

Hana liked Andrei. Andrei liked her, too. Saan siya lulugar?

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Agad niyang nilisan ang lugar bago pa siya makita ng mga ito.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon