Thirty Four

59.6K 517 1
                                    

Masakit ang ulo ni Ram pagkagising. Naparami kasi ang inom niya noong nagdaang gabi. Last night kasi niya bilang bartender sa bar ni Maryo and he insisted that they celebrate. Papano, first time daw kasi niyang makapagbanat ng buto and that calls for a celebration, he said. Hindi naman siya nakatanggi. Idagdag pang nagsidatingan pa ang iba nilang mga kaibigan kaya't napasarap ang inuman. Nalango tuloy siya ng husto.

He noticed that he was lying on the floor. Kung papano siya napunta doon ay hindi niya alam. Ni hindi nga niya alam kung papano siya nakauwi. Malamang ay inihatid siya ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi naman pwedeng mag-drive nang mag-isa ang kotse niya.

Mag-uunat na sana siya ng katawan nang ma-realize niyang may nakadagan sa kanang braso. He looked that way and found Hana sleeping soundly --- on his arm.

The first thing that came to his mind was how? Papano ito napunta doon? Why is she lying with him on the floor?

Then his curiousity was suddenly replaced by amusement. Why, Hana looked so peaceful when she sleeps. Para itong bata, so innocent-looking. At kahit tulog ay maganda pa din ito.

Napadako ang tingin niya sa mga labi nito. She looked like she's pouting and it looked cute. He suddenly felt the urge of kissing her.

Pero bakit ganoon? Kahit nasa kanya na ang karapatan angkinin hindi lang ang mga labi nito, kundi pati na rin ang buong pagkababae nito, he still doesn't feel that he deserves it. It would only be unfair to her. It would only feel like he's taking advantage of her.

Hana's one beautiful woman, inside and out, and she deserves someone better. And it's definitely not him. That's the reality.

Dahan-dahan niyang inalis ang ulo nito mula sa pagkakaunan sa kanyang braso. And although he was extra careful not to wake her up, he still did. Napabalikwas ito ng bangon.

"Ram! Gising ka na pala! Sori kung nakatulog ako sa tabi mo. Ano kasi, ano... pinupunasan kita ng malamig na bimpo kagabi para mahimasmasan ka. Ano kasi... lasing na lasing ka noong umuwi. Sina Maryo at Roanne nga palang naghatid sa'yo. Yun nga. Nalasing ka kaya't pinunasan kita para mahimasmasan ka naman kaso nahulog ka dito sa sahig, nadaganan mo pa ako kaya ano... dito na din ako nakatulog," ang 'di magkandaugaga nitong explaination habang kinakamot ang sariling ulo. She looked cute when she stammered.

Natawa siya.

Nagpang-abot ang dalawang kilay nito sa gitna. "May nakakatawa ba doon sa sinabi ko?"

"No, no, don't get me wrong. Nai-imagine ko lang kasi ang hitsura mo --- natin --- kagabi. Buti't 'di ka napilayan," aniya. Nakahiga pa din siya sa sahig habang nakasalampak naman ito may limang dangkal mula sa kanya. He was fighting the urge of pulling her back into his arms.

"Napilayan 'kamo! Pakiwari ko nga, nagkalasog-lasog ang mga buto ko sa katawan. Ang bigat mo kaya! Diet-diet din 'pag may time."

"Excuse me, I'm not overweight. Nothing's wrong with my weight. Nasa 'yo ang problema. You look so thin, kumain ka naman. Baka sabihin ng Nanay mo, 'di kita pinapakain dito."

"Excuse me rin! Hindi thin ang tawag dito. Slim. Sexy!" Tumayo ito at saka naglakad papuntang kusina. "Ipagtitimpla na nga lang kita ng kape at mukhang 'di ka pa talagang nahihimasmasan. Di mo na alam ang kaibahan sa payat at sexy."

His eyes were fixed on her butt as she walked away from him. Napangiti siya. Bumangon siya ngunit hindi siya tumayo. He remained seated on the floor and rested his throbbing head against the couch. "So you think you're sexy?"

"Oo naman!" she answered from the kitchen.

"Well, I think so, too," he said just in time of her coming out of the kitchen, his steaming cup of coffee in hand. And her reaction was priceless. Napatda ito sa kinatatayuan kasabay ng pamumula ng mga pisngi. Iilang babae na lang ba ang nagba-blush ngayon sa simpleng compliments?

"Bolero! Para ipinagtimpla ka lang ng kape," anito nang makabawi. Inilapag nito ang kape sa ibabaw ng center table at agad na naglakad pabalik sa kitchen.

"How about me? Do you find me sexy?" he teased. He couldn't help it.

"Hindi, noh!" she yelled from the kitchen. Nagkakalampagan ang mga gamit doon kaya hula niya'y nagpi-prepare na ito ng breakfast.

"Weee," he said after sipping from his coffee. It was perfect for his taste, as usual. "Bakit may pakiramdam akong pinagsamantalahan mo'ko kagabi?"

"Uy, excuse me! Kapal mo, ha!" she yelled back. "Di kita type!"

He laughed out loud. Nagsimula siyang makaamoy ng pritong itlog. He suddenly felt hungry. Tumayo siya at bitbit ang kape, sumunod na siya dito sa kusina.

"Liar. You married me, remember?" aniya.

"Eh, bakit ikaw? 'Di mo naman ako type pero pinakasalan mo ako?" Tuloy pa din ito sa ginagawa.

"Who says you're not my type?"

Napatingin ito sa kanya. It was as if she's weighing the truth in his words. He's not lying. Maaari hindi niya ito mahal, since the word "love" is too heavy for him, but that doesn't mean that he doesn't like her. Sinong lalaki ang hindi magkakagusto dito?

"Ano bang tinira ninyo kagabi at mukhang bigla yatang nag-iba ang timpla mo?" Naglalapag na ito ng breakfast sa table. Toasted bread, omelette, at ham. "Kumain ka na. Gutom lang 'yan."

Natawa siya.

"Thank you," he said after a few bites.

"Sus, para toasted bread lang. Saka ka na mag-thank you kapag marunong na ako noong mga niluluto doon sa mga mamahaling restaurant," anito. She was sitting across the table, having her cup of coffee.

"No, I mean it, Hana. Thank you. Hindi lang para dito sa breakfast but for taking care of me last night. Nobody did that to me before."

"Weee." She looked like she didn't believe him.

"No, that was true. Wala pang nakagawa sa 'kin noon."

"Kahit si Roanne?"

"Especially not her."

He saw her smile bago nito ibinaba ang tingin sa hawak na kape.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon