Forty Nine

56.9K 434 11
                                    

"Saan ang date mamaya, Ate Hana?" ani Gem sa kanya. Nasa classroom sila at hinihintay ang professor sa subject na 'yon.

Umismid siya.

"Wag mong sabihing wala kayong plano ni Ram?" ani Chloe.

Muli lang siyang umismid sabay buga ng isang malalim na buntong hininga.

"Aw, that's sad. Ram despised Valentine's Day, as well? But you already influenced him into celebrating monthsaries, bakit ayaw pa rin niyang mag-celebrate ng V-day?" ani Gem.

"Hindi naman niya sinabing ayaw niya. Ano lang, wala lang siyang sinabi," aniya.

"Deadma lang?" Si Chloe.

"Parang ganoon na nga," aniya.

"That's really sad." Gem pouted.

"Well, at least 'di ako mag-iisang magpapabaril ngayong gabi sa Luneta, 'di ba? May karamay akong date-less sa Valentine's Day," ani Chloe. "Buti pa 'yong ibang tao diyan, mukhang magiging makulay ang Valentine's Day."

Ngumisi si Gem. Abot-tenga.

"I hope so. Jerome invited me to have dinner with him. He says he's gonna take me to Tagaytay," anito na ang tinutukoy ay ang bago nitong boy friend. They had been together for only a month now.

"Tagaytay? Seryuso?" Si Chloe.

"Yup! We're gonna use their private plane."

"Wow! Ikaw na, teh. Ikaw na ikaw na," ani Chloe.

Mayaman din kasi ang pamilya ni Jerome. Sa katunayan ay anak ito noong kasosyo sa negosyo ng Daddy ni Gem.

"May surprise din daw siya sa akin pagdating namin doon. And guess what, alam ko na kung ano ang surprise niya for me. His sister had told me already." She giggled. "May binili daw siyang kuwentas for me which is worth thirty-five thousand pesos. And he bought it from his very own savings. Ain't that sweet?"

"Hay, iba na talaga ang mayayaman. Thirty-five thousand pesos? Ipinamimigay nalang? And to think na isang buwang mahigit palang kayo, ha? Pano pa kaya kung one year anniv niyo na? House and lot na?"

Humagikhik lang si Gem sa sinabi ni Chloe. Tila kilig na kilig.

"Ikaw na ikaw na talaga. Grabe ang haba ng hair mo, umabot na ng moon," ang dagdag pa ni Chloe.

Ngumisi si Gem bago muling nagsalita. "And here's more ---"

"Sige pa, inggitin mo pa kami. Konting-konti nalang talaga at magbibigti na kami," ang putol ni Chloe sa sinasabi nito.

Tawanan ang dalawa, except sa kanya. Wala, eh. Medyo malungkot lang talaga siya. Hindi naman siya nag-i-expect ng bonggang Valentine's Day celebration, pero first time nilang mag-celebrate ng Valentine's Day nang magkasama, 'di ba? Mag-effort man lang sana ito ng konti. Kahit kwek-kwek lang sa tabi-tabi, solved na siya. Ang importante, eh, naalala nito.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon