Thirty Seven

61.3K 521 5
                                    

Ang nakakagutom na amoy ang bumungad kay Hana pagkagising. At ang mga pagkaing nakalapag sa maliit na mesa ang agad niyang nakita pagkadilat na pagkadilat ng mga mata niya. Mukhang pina-deliver ang mga iyon ni Ram mula sa isang sikat na restaurant. Bigla tuloy siyang nagutom sa amoy ng mainit na tsokolate. Hindi nga pala sila nakapaghapunan.

Noon bumukas ang pintuan ng banyo. At mas katakam-takam pa sa pagkaing nakahain sa mesa ang tanawing bumungad sa kanya. Bagong ligo si Ram, nakatapis lang ito ng tuwalya at nakahantad ang matipuno nitong dibdib. Napalunok siya. Nag-init din ang magkabilang pisngi niya nang maalala ang nangyari kagabi. Grabe, hanggang ngayon ay 'di pa rin siya makapaniwala. Talaga bang may nangyari sa kanila kagabi? Talaga bang  ganap na ang pagiging Mrs. dela Francia niya?

Mrs. dela Francia. Parang ang sarap sa tenga. Napangiti siya. 

"You're daydreaming," anito.

" Ha? 'Di, ah!" aniya bago dali-daling nagbawi ng tingin. 

Narinig niya ang mahina nitong tawa. "Kumain ka na, I know you're hungry. I ordered food already."

Babangon na sana siya nang maalala niyang wala nga pala siyang damit. Mabilis pa sa alas-kuwatrong bumalik siya sa pagkakahiga. Agad din niyang hinapit ang kumot na nakatabon sa kanya. Napatingin siya kay Ram at nahuli niya itong nakatingin din sa kanya.

Ngumisi ito. "You don't have to be ashame of anything. Hindi naman ako ibang tao," anito. Nahulaan yata ang tumatakbo sa kanyang isipan.

"Eh... ano... pwedeng pakiabot nalang noong robe ko?" aniya habang mahigpit pa ding hawak ang kumot na animo'y anumang oras ay huhubaran siya nito.

"Yeah, sure," anito bago pinulot ang robe sa sahig at iniabot sa kanya.

"Pwedeng... tumalikod ka muna?" aniya pagkatanggap dito.

"What? Kailangan pa ba 'yon? We just had sex, for Pete's sake! And we're married, for crying out loud!" anito.

"Sa nahihiya ako, eh," aniya. "Bakit, ikaw? Kaya mong maghubad sa harapan ko?"

Humarap ito sa kanya at saka ngumisi. "Wanna bet?" anito at saka hinawakan ang tuwalyang nakatapis dito, anyong tatanggalin nito iyon.

"Oo na! Oo na! Kaya mo na!" aniya upang pigilan ang akma nitong gagawin. "Pero hindi ibig sabihin na dahil kaya mo, kaya ko na rin. Eh, sa nahihiya ako."

Malakas itong natawa bago tumalikod sa kanya.

Dali-dali siyang nagsuot ng robe at saka tumakbo papuntang banyo.

"Hey! Where are you going? I'm hungry!" anito.

"Mauna ka na, maliligo lang ako," aniya mula sa loob.

"Ah! You're a pain in the ass, Hana!" anito mula sa labas.

"Ano?" aniya. Medyo maingay kasi ang shower.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon