Twenty Six

59K 572 11
                                    

Tumatakbo si Ram papasok ng bakuran nila. Agad siyang sinalubong ni Manang Karya, ang yaya niya simula noong maliit pa siya.

"Saan ka ba nanggaling, bata ka! Kanina ka pa hinahanap ng mama mo!"

Nilampasan niya ito at saka nagtuloy-tuloy siya sa loob. Noon niya nakasalubong ang Mama niya. Pababa ito ng hagdanan. Nakagayak na ito. Nakasunod naman dito ang kanyang Papa.

"Oh my God, Ramon! Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap?" anito.

"You irresponsible kid! Kung ayaw mong ituloy ang kasal, dapat sinabi mo ng mas maaga! Hindi 'yong ganito! Mapapahiya ako sa'yo!" anang Papa niya.

"At sino naman po ang  maysabing hindi matutuloy ang kasal? Lumabas lang ako para mag-jogging! I'll be ready in a minute!" aniya sa mga ito bago tinakbo ang hagdanan paakyat.

"Hurry up! We'll be late, you brute!" anang Mama niya na hindi na lang niya pinansin.

Hindi siya nakatulog buong magdamag. Ang daming gumugulo sa isipan niya. Iyon ang dahilan kung bakit bumangon siya ng napakaaga. Three in the morning, in fact. Gusto niyang lumabas. Gusto niyang mag-isip. 

Nag-jogging siya patungo sa isang maliit na lawa sa liblib na na bahagi ng lupain nila. Medyo malayu-layo iyon kaya natagalan bago siya nakabalik. But no, he had no intention of not showing up. Wala siyang intensiyong takbuhan si Hana. Hindi niya alam kung bakit pero tila sure na sure na siya sa gagawin. Maaaring may mga agam-agam siya pero hindi iyon sapat para huwag niyang ituloy ang kasal.

Dali-dali siyang nag-shower. Nang lumabas siya ng banyo ay naroon na ang Mama niya, ang make-up artist, ang photographer, at ang kung sinu-sino pa sa loob ng kwarto niya. They all helped him to get dressed. 

This is ithe though noong nakasakay na sila sa kotseng maghahatid sa kanila sa simbahan. Oh, what are you doing to your life, Ramon Miguel? 



Naiiyak na talaga si Hana. Tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse.

"Wala pa ba?" Si Ava. Nasa tabi niya ito. Ito kasi ang maid of honor niya.

Malungkot siyang nagpailing-iling. Nakita niyang nakatingin sa may rear view mirror ang driver ng bridal car. Naaawa ito sa kanya. Konting-konti nalang talaga at iiyak na siya.

"Saan ka pupunta?" aniya nang akmang lalabas si Ava ng kotse.

"Lalabas lang ako sandali. Magtatanong lang ako," anito.

Wala pang dalawang minuto ay kumatok na ito bintana ng kotse. Agad niya iyong binuksan.

"Nandito na siya!" ang excited nitong wika.

"Talaga? Dumating si Ram?" Inilabas niya ang ulo mula sa bintana ng kotse upang maklarong mabuti ang paparating na sasakyan. Parang hindi siya makapaniwalang dumating na talaga ito. 

"Oo! Nandito na si Ram! Tuloy na tuloy na ang kasalan!"

At noon niya nakitang bumaba ng kotse si Governor Dela Francia kasabay ang bagong mayor ng lungsod, si Madam Aurora. Halos hindi na siya humihinga habang hinihintay niyang bumukas ang pintuan sa may likuran. At noong sa wakas ay bumukas na ito ay halos hindi siya kumukurap. Baka kasi maglaho nalang itong bigla.

Nakita niyang bumaba ng kotse ang pinaka-guapong nilalang sa balat ng San Gabriel. Naka-black tuxedo si Ram. Mukhang bagong paligo. Mukhang ang bango-bango.

Parang gusto niyang maiyak sa magkahalong tuwa at kaba. Ang buong akala kasi niya'y hindi na ito sisipot. 

Dere-deretso ito sa bungad ng simbahan. Nang matapat ay tumingin ito sa kanya. Nagpang-abot ang mga mata nila. Ngumiti ito. Tinaasan niya ito ng kamao. Natawa lang ito.

He couldn't take his eyes off her --- the beautiful bride that was marching down the aisle alone. Half of her was covered by a white, flowing veil. But it didn't make her less beautiful. Maganda pa rin kasi ito kahit naka-belo. 

He felt a sudden tightening on his throat as he watched her slowly walk towards him. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang reaksiyon niyang iyon. It must be the ambiance, he thought. Or the wedding march. Nadadala lang siguro siya. How else could he explain the emotional turmoil he suddenly felt? Because right at that moment, he almost fooled himself into believing that he was one in love groom waiting for his bride to say her "I do". 

At dahil wala itong Tatay na maghahatid nito sa kanya ay kusa na niya itong sinalubong. He offered his hand which she willingly took. He guided her hands into his arms and then guided her towards the altar. There the officiating priest awaited them. 

Kahit pareho na silang nakaharap sa pari na noo'y sinisimulan na ang seremonya ay pasimple nitong inilapit ang ulo sa kanya.

"Tangena. Aatakehin ako sa'yo sa puso," ang pabulong nitong wika.

"Why? Scared that I might run away?" ang ganting bulong niya dito.

"Na kung ginawa mo ay talagang malalagot ka sa akin."

"What are you going to do then?"

"Hahantingin ka para putulin 'yang ano mo."

Hindi niya napigilan ang sarili. Malakas siyang natawa.

"Pwede bang mamaya niyo na ituloy ang kwentuhan? Pwede ko na bang ituloy ang kasalan?" anang pari sa kanila.

"Opo, Father. Sori po." Si Hana.

He was still laughing. Kung ganito ang magiging buhay niya kasama ang babaeng ito, then there is definitely nothing to regret in the future. Hana is truly something.  

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon