Four

78K 712 5
                                    

Nang dumating si Ram sa Principal's Office ay naroon na iyong dalawang second year na naka-engkuwentro niya noong isang araw sa school canteen. Mas maputi iyong isa, iyong bumangga sa kanya. Pero mas maganda iyong isa, iyong nagtanggol sa kaibigan nito. Mas matangkad din ito.

He intently looked at the second girl. Hindi ito kasingputi noong isa pero 'di rin naman maitim. Sa katunayan ay makinis ang balat nito. Balingkinitan ang pangangatawan nito. At dahil may height, pwedeng maging modelo in the future. Mahaba ang maitim at likas na may malalaking kulot nitong buhok. Maliit at hugis puso ang maganda nitong mukha. She had big, beautiful eyes laced with thick and long lashes. Hindi naman ganoon katangos ang ilong nito pero pwede na. Bumagay naman iyon sa mukha nito. And last but definitely not the least, she had sweet-looking lips. Iyon bang natural na mamula-mula. Tila kaysarap halikan. Iyon pa naman ang kahinaan niya sa girls. Kissable lips.

"Bakit walang sumasagot sa inyo?! I'm asking you!"

Nabaling ang atensiyon ni Ram sa doble-karang School Principal. Doble-kara kasi ambait-bait sa harapan ng Mama niya. May pagka-Hitler naman pala.

"Ako po, Sir. Ako po ang may kasalanan," ang sagot noong mas maputi.

"Anong ikaw?" ang sabat naman ni Ms. Kissable Lips. "Hindi mo kasalanan 'yon. Aksidente naman ang nangyari. Hindi po kasalanan ni Ava, Mr. Santos. Aksidente po kasi ang nangyari. Hindi po niya sinasadyang banggain si Ram dela Francia. 'Tsaka nag-sori naman po siya, ayaw lang tanggapin ni Ram dela Francia iyong sori niya. Tinawag pa po siyang stupid ng paulit-ulit. Sa katunayan ay stupid daw po ang lahat ng mga mag-aaral dito."

"Hana..." ang saway noong Ava.


So, Hana pala ang pangalan mo, ha? saisip ni Ram.

"Hindi naman po tama iyon, 'di po ba, Sir? Tama bang insultohin niya ng ganoon ang lahat ng mga estudyante dito sa SGNHS?" ang wika pa noong Hana, mukhang ayaw talagang magpaawat.

"Shut up, Hana! Hindi lang side mo ang hinihingi ko," ang sigaw noong School Principal dito.

This man is sick, Ram thought. Humihingi ng explaination, nagagalit naman 'pag may nag-explain.

"O ikaw, Mr. dela Francia, anong masasabi mo?" ang baling nito sa kanya.

Hindi siya sumagot. Nakipagtitigan lang siya dito.

"What? Titingnan mo lang ako? 'Di ka magsasalita? 'Di ka magpapaliwanag?"

"You heard her, sir. I won't deny anything," he sarcastically said.

"Ganoon lang? 'Di mo ipagtatanggol ang sarili mo?"

"Why, Mr. Principal, 'pag ba ipinagtanggol ko ang sarili ko, makakasiguro ba akong 'di makakarating sa Mama ko ang nangyari?"

Nag-iba ang facial expression nito. Guilty. Mukhang nakapag-sumbong na.

Tumalikod ito.

"Follow me! Kayong tatlo!" anito 'tsaka nag-martsang palabas ng office.

Agad na hinilang palabas noong Ava si Hana. Tila takot na takot itong sumunod kay Hitler. Wala naman siyang makitang takot sa mukha noong Hana.

He had no choice but to follow them.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon