Thirty

59.9K 544 14
                                    

"I still couldn't believe you're married now."

Napabaling Si Ram kay Roanne, naroon sila sa bar ni Maryo. He was doing his part-time job while she was merely hanging around. Alone. Malakas ang pakiramdam niyang hindi lang ito basta-bastang nagha-hang out doon. Hindi naman siya manhid. Alam niyang may gusto ito sa kanya.

"Sabi ko naman sa inyo, eh. Hindi niyo ako kilala. You don't know what I am capable of doing," he said while pouring one customer a drink.

"Wrong. Kilala ka namin. We knew you well to predict that this is just one of your spur-of-the-moment decisions. Ganoon ka naman, eh. Ngayon, ito ang gusto mo. The next day, iba na naman. So tell me, how long should we expect this, quote unquote, marriage to last?"

"At papano mo naman nasabing hihiwalayan ko si Hana?"

Nagkibit-balikat ito bago ito sumimsim mula sa hawak nitong baso. "Instinct."

Ngumisi siya bago bumaling sa isa pang customer na ay ino-order sa kanya.

"One year? Six months? Three months? One month? One week?" Ayaw pa din siya nitong tantanan.

Muli siyang bumaling kay Roanne. Bahagya niyang inilapit ang mukha dito, medyo maingay kasi sa loob ng bar. "Eh, kung sabihin kong... wala akong planong hiwalayan si Hana?"

Tumawa ito ng malakas. "That's impossible. Ni hindi ka nga mapirme sa iisang girlfriend, sa asawa pa kaya? I knew you, Ramon. You cannot live with just one flavor alone. That's too boring for your taste."

"Well, depende din siguro sa flavor," he said before he left her para istemahin ang isa pang customer.

Medyo matumal nang gabing iyon kaya pinayagan siya ni Maryo na umuwi ng maaga. Nagpapahatid pa sana si Roanne sa condo unit nito dahil wala daw itong dalang kotse. He said he can't at masakit ang ulo niya. Gusto na niyang umuwi. It was only eleven in the evening when he reached his condo unit.

Inabutan niya sa may sala si Hana. Nakaupo ito sa couch, malayo ang tingin. Naka-on ang TV sa harapan nito ngunit tila wala naman doon ang atensiyon nito. Mukhang ang lalim nga ng iniisip nito. Nagkalat din sa may center table ang mga notebooks, libro at ballpen.

"Nagri-review ka?" aniya dito nang hindi siya nito pinapansin.

Medyo napaigtad pa ito bago ito bumaling sa direksiyong kinatatayuan niya.

"Ram! Kanina ka pa diyan?" Tila gulat na gulat na tanong nito. Mukhang hindi talaga nito napansin ang pagpasok niya kanina.

"Just long enough to notice that you're thinking something that's out-of-this-world," aniya bago ibinagsak ang katawan sa isa sa mga upuan. He felt drained. Physically and emotionally.

"Ha? Ah, eh, ano. May iniisip lang. May quiz kasi kami sa English bukas. A-ang aga mo yata ngayon. 'Di ka dumaan sa bar?" Dali-dali itong tumayo at saka ikinuha siya ng tsinelas.

"Dumaan. Saglit." Isinuot niya ang bigay nitong tsinelas. He actually felt weird. Why, nobody cared for him this way. Yaya niya siguro noong bata pa siya. Pero Mama niya? Never.

"Kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin? Hindi kasi ako nagluto ng dinner, eh. Nagtinapay lang ako. Akala ko kasi mamayang madaling araw ka na naman uuwi. Pero 'di bale, ipagluluto nalang kita. Anong gusto mong kainin? May laman naman ang ref. Nag-grocery ako kanina. Hindi ba nakakahiya sa Mama mo kung gagamitin ko 'yong credit card na bigay niya? Wala na kasi tayong supplies, eh," she said as she rummage through the kitchen. Mukhang naghahanap ng maluluto. "Anong gusto mong kainin?"

"Don't bother. Kumain na ako," he said as he flipped through the channels.

"Ah." Bumalik ito sa upuan. Dinampot nito ang isa sa mga librong nakapatong sa may center table at binuklat-buklat iyon pero mukhang wala naman doon ang isip nito.

He suddenly felt curious. Is there something that bothers her?

Then he noticed her get up. Even in a simple loose t-shirt and a pair of old denim shorts ay mukha pa rin itong maganda.

He fought the urge to chuckle. Nakakatawa lang kasing isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito mahawakan. And to think that he had all the rights to do so! He had all the rights not just to touch her. He had all the rights to fuck her!

Pero bakit 'di niya magawa? Bakit tila nag-aalangan siyang i-take advantage ito? Nakokonsensiya ba siya?

Fuck, dude! You have no conscience, remember?

"How are you?" aniya.

"Ha?" She raised her face to look at him. "Okay naman. Medyo naninibago sa buhay Maynila. At sa buhay college na din. Pero keri lang," anito baho muling ibinalik ang paningin sa librong hawak nito.

"I mean, don't you have regrets?" He didn't know why he's bringing it up. He just needed to.

"Regrets? Para saan?"

"We both know na kaya mo lang naman ako pinakasalan ay para mailigtas ang Tatay mo. But too bad, he didn't make it. Nasayang ang effort mong pakasalan ako." He felt stupid for sounding bitter. As if he really care.

Muli itong nagtaas ng mukha. Sinalubong nito ang kanyang mga tingin. "Kung iyon lang talaga ang rason ko, 'di sana'y si JM nalang ang pinakasalan ko," she said while staring back at him. There was something in her eyes? Pain?

Shut up, dude. Pagod ka na. Kung anu-ano nang napapansin mo.  

"Are you happy?" he asked. He wanted to keep his mouth shut but he just can't. Stupid, stupid him!

"Ikaw? Masaya ka ba? Nakaganti ka na kay JM, 'di ba? Araw-araw na niyang maaalalang for once in his life, eh, naungusan mo siya. Kamusta ang pakiramdam? Masaya ba?"

He was dumbfounded. It was as if his tongue suddenly forgot how to do it's job. Nakatanga lang siya habang nakatitig sa maganda ngunit punong-puno ng emosyong mukha ni Hana. And for a second there, he felt her pain.

"E-excuse me, kailangan ko nang matulog. Maaga pa ako bukas." Bitbit ang mga gamit nito ay tumayo na ito at pumasok sa silid nito. He wanted to stop her but he couldn't find the courage to do so. He was left alone feeling empty.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon