Three

85.5K 822 16
                                    

"Hi, Hana! Ano 'yang kinakain mo?"

Hindi na kailangang tingnan ni Hana ang nagsasalitang iyon para malaman niya kung sino. Kahit yata sa panaginip niya ay makikilala at makikila ang boses na iyon. Pano, wala na itong gina a kundi sundan siya. Parang aso lang kung makabuntot.

"Pizza. Gusto mo?" ang sarkastiko niyang sagot nang hindi ito tinitingnan sabay subo sa kinakain niyang banana cue.

"Mapagbiro ka pala," ani Zoey sabay upo sa kaharap niyang upuan. Hindi man lang tinanong kung gusto niya itong makasama sa table.

Naroon sila sa school canteen. Kanina pa niya inaantay si Ava. Pupunta lang daw'ng CR. Di na nakabalik.

Nagpalinga-linga siya para hanapin ito. Wala pa rin talaga.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin, Hana? Ano bang nagawa ko at 'di mo ako magustuhan? Aba'y dalawang taon na akong nanliligaw sa'yo, ah. Ba't ba kailangan mong magpa-hard-to-get?"

At talagang tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain.

"Hoy, Zoey, hindi ako nagpapa-hard-to-get! Hindi lang talaga kita gusto!"

"Ouch! Ang sakit naman niyan," anito habang may pangiwi-ngiwi pang nalalaman. "Ang sakit mo namang magsalita, Hana."

Nakonsensiya naman siya.

"Ang kulit mo kasi. Sinabi nang 'wag mo na akong ligawan. Sige ka pa rin ng sige."

"Anong magagawa ko, eh, ikaw lang talaga ang itinitibok nito," anito habang nakahawak sa sariling dibdib. "Tumingin ka nga sa paligid mo, Hana. May gaganda pa ba sa'yo, ha? Wala! Kasi nga ikaw ang pinakamagandang babae dito sa San Gabriel National High School! Kaya masisisi mo ba ako, ha?"

Sasagot pa sana siya nang may biglang kumuha sa kanyang atensiyon. Napabaling siya sa direksiyong pinanggagalingan ng malakas na boses na naririnig niya.

"Shit! You're so stupid!" Si Ram dela Francia. May malaking mantsa ang suot nitong uniporme. Mukhang natapunan ng kung ano.

"Sori. Di ko kasi nakita." Si Ava.

Dali-dali siyang tumayo para lapitan ang kaibigan.

"Bulag ka ba at 'di mo ako nakita?" ang muli nitong sigaw kay Ava.

"Sori. Sori talaga..."

"Kainan mo 'yang sori mo, stupid!"

Hindi na nakatiis si Hana, sumabat na siya.

"Kung maka-stupid ka naman!" aniya.

Bumaling ito sa kanya. Mas guapo ito sa malapitan, na-realize niya.

"Bakit? Hindi ba? If she's not stupid enough not to see me, hindi niya ako mababangga! Look at what your stupid friend had done to my uniform!" Itinuro pa nito ang nadumihang polo. As if naman na 'di niya ito makikita.

Nag-transfer na ito officialy sa paaralan nila isang linggo na ang nakakaraan. Nasa ikaapat na taon na ito. First section. Kaklase ni Andrei.

"Aksidente lang naman kasi ang nangyari, 'di ba? 'Di naman niya sinasadya!"

"Tama na, Hana," ang awat ni Ava sa kanya.

Ngunit ayaw magpaawat ni Hana. "Kung maka-stupid ka naman, para kang perpekto, ah. Bakit? Sa tanang buhay mo ba, ni isang beses, eh, 'di ka pa nagkamali, ha? Mahirap bang tumanggap ng sori? Ikamamatay mo ba 'yon?"

Nakita niyang nagtangis ang mga bagang nito.

"Bakit mo ba ipinagtatanggol yang kaibigan mo? Bakit hindi ba totoong stupid siya? She is! Like the rest of you, she's stupid! Everything about this school is stupid! Tingnan mo nga ang paligid mo? School bang matatawag ang bulok na lugar na ito?"

"Eh, bakit mo isisisi sa'min ang pagiging bulok ng paaralang ito? 'Di ba dapat tatay mo ang sisihin mo? Kaisa-isang high school dito sa San Gabriel 'di pa niya mapaayos? 'Di ba responsibilidad naman niya 'yon?"

Hindi nakasagot si Ram dela Francia. Muling gumalaw ang mga panga nito bago ito marahas na tumalikod at saka tuloy-tuloy na umalis. Noon niya naramdaman ang dahan-dahang paghila ni Ava sa kanya palabas ng canteen.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon