Thirty Five

62K 579 6
                                    

"Papasok ka na ba?" ani Hana kay Ram noong nakita niya itong palabas ng kuwarto nito.

"Yup. Why?"

"Sasabay sana ako," aniya.

"Mag-taxi ka na lang, may dadaanan pa kasi ako. Bye. I've gotta go," anito at nagpatiuna nang lumabas ng condo unit nang 'di man lang siya nilingon.

Sinimangutan niya ito kahit 'di na siya nito nakikita. Back to the old self na naman kasi ang peg nito. Balik na naman sa pagiging masungit. Sa pagiging suplado. Nakakainis.

May pa-thank you, thank you pang nalalaman last week. 'Yon pala'y temporary lang ang pagiging mabait nito. He's back to his old grumpy self the next day. Para lang laging may monthly period.

Sa loob ng mahigit dalawang buwan nilang pagiging school mates, mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataong isinasabay siya nito sa kotse nito. Lage itong may alibi. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Nakakainis. Sayang din naman kasi iyong pamasahe niya sa taxi. Malaki na sana masi-save niya kung lage siya nitong sinasabay sa pagpasok sa school. Kaso nga ayaw. At kung sinasabay man siya nito, tila ito lageng nagmamadaling ibaba siya. Para bang nahihiya itong may makakakita sa kanila. Ewan.

Mabigat ang loob ni Hana na pumasok ng paaralan. Ewan ba niya kung bakit 'di pa rin siya masanay-sanay sa trato ni Ram sa kanya. Nasasaktan pa din siya. Buti nalang at naroon ang mga kaibigan niya para pasayahin siya kahit na papano.

"What's wrong, Ate Hana? Nakasimangot ka na naman?" ani Gem sa kanya. They were waiting for their last subject for that day.

"W-wala," aniya habang pilit na ngumingiti. 

"Anong problema, Hana?" ang tanong naman ni Gio. Naroon ito para sunduin si Gem. Mukhang napaaga nga ang punta nito, may isang subject pa kasi sila. Pero hula niya'y sinadya talaga nitong agahan ang pagpunta doon. Ilang araw na rin kasi siya nitong kinukulit sa text. Mukhang totoo nga yata ang sinabi ni Gem na may balak itong ligawan siya. Huwag naman sana.

"Naku, wala. Ano lang, medyo nalulungkot lang. Nami-miss ko lang Nanay ko sa probinsya." That was partly true. Kapagka nalulungkot siya, sumasabay din talaga ang ganoong pakiramdam. Iyon bang pakiramdam na gusto niyang umuwi sa kanila at magsumbong sa Nanay niya. Kaso hindi pwede, malulungkot lang din ito. Isa pa, wala namang pumilit sa kanyang pakasalan si Ram. So she had no one to blame but herself.

"Alam ko kung anong solusyon diyan," ani Gio. Guapo ito, maputi, makinis, mabait, matalino, mukhang kagalang-galang. Ganoon pa man, para sa kanya, mas guapo pa din si Ram. Wala nang pwedeng kumontra sa bagay na iyon.

"You wanna come with us tonight? Birthday ng cousin namin, who happens to be my best friend, too, and we're having a pool party. You'll enjoy there. Promise."

"Ha?" aniya.

"Oo nga naman, Ate Hana. Sama ka. It will be fun!" ang segunda naman ni Gem.

"Ay, daya! Ba't si Ate Hana lang?" ani Chloe.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon