Twenty Seven

60.8K 563 7
                                    

Mag-a-alas nueve na ng gabi pero hindi pa rin umaalis ang mga bisita nila. Pagod na pagod na si Hana. Kanina pa niya gustong pumasok sa kwarto at magpalit ng damit pantulog. Kating-kati na siya sa suot niyang gown. Masakit na din ang mga paa niya dahil halos buong araw siyang naka-high heels.



Ngunit tila walag planong magsiuwian ang mga bisita nila na pawang mayayaman. Lahat ng naroroon ay masasabing napapabilang sa alta sosyedad. Iyong iba'y nanggaling pa sa mga karatig na lalawigan. Lahat din halos ng mga naroon ay may kinalaman sa pulitika. Wala naman siyang kilala sa mga ito kaya wala din siyang makakuwentuhan. Kanina pa kasi umuwi si Ava.

Si Ram naman ay lulubog-lilitaw. Makikita niya itong may kausap tapos biglang mawawala. Tapos makikita niya ito uli. At mawawala din uli.

Mabuti nalang kamo't 'di lumalapit si JM sa kanya sa buong okasyon. Iniiwasan din siguro nitong magkagulo.

Nang makahanap siya ng pagkakataon ay agad na siyang tumakas. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng kwarto at saka agad na naghubad ng sapatos at gown. Ang sarap lang sa pakiramdam. Hindi na rin siya nag-aksaya ng panahon, agad din siyang pumasok sa banyo para maligo. Kating-kati na kasi siya sa make up at sa kung anu-ano pang inilagay noong mga baklang make up artists sa mukha niya't buhok. 

Halos inabot din siya ng trienta minutos sa ilalim ng shower. Parang ang sarap lang kasing maligo matapos ang napakahabang araw na iyon.

Bigla niyang naalalang first night nga pala ni Ram ngayon bilang mag-asawa. Biglang nabuhay ang magkahalong saya, excitement at takot sa puso niya. Dinama niya ang sariling dibdib. Ang lakas lang ng kabog nito.

Magugustuhan kaya siya ni Ram? Wala pa kasi siyang  karanasan sa mga ganoong bagay. Hindi pa niya naranasang makipagsiping sa kahit na sinong lalaki. Papano kung ma-turn off si Ram sa kanya? Pano kung mas gusto nito ang mga babaeng marami ng alam? Papano kung i-divorce siya nito dahil lang wala siyang alam sa sex?

Natawa siya sa naisip? "Exage ka naman, Hana. Divorce agad? 'Di pwedeng honeymoon muna? 'Tsaka walang divorce sa Pilipinas, tange," ang malakas niyang wika sabay banlaw sa sarili. Itutulog na nga lang niya ang mga agam-agam. Tutal, mukhang busy pa naman si Ram sa labas. Duda siyang mangyayari ang inaasahan niya ngayon gabi. 

Dali-dali siyang nagtapis ng tuwalya at saka lumabas ng banyo. Ngunit laking gulat niya nang ang guapong mukha ng kanyang groom ang napagbuksan niya ng pintuan.

"Anak ng tipaklong! Kanina ka pa diyan?"

Tiningnan lang siya nito ng masa sabay sabing "Tinatakasan mo ba ako?"

"Ha? Ako? Ba't ko naman gagawin 'yon?"

"Ba't ka bumalik dito sa kwarto mo nang 'di nagpapaalam?" anito.

Nakaharang ito sa daraanan niya kaya 'di siya makalabas ng banyo. Bigla tuloy siyang na-conscious. Wala pa naman siyang damit. Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kanya. Kahit na sabihin pang mag-asawa  na naman sila, nakakahiya pa din.

"Kailangan pa ba 'yon?"

"Yes, of course. The party's  not over yet but you are hiding in here?"

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon