Eighteen

59.8K 495 2
                                    

"Si Papa? Nakita mo?" ang tanong ni Ram sa nakasalubong na katulong.

"Hindi po, Sir Ram."

Nasaan kaya ito? He needed to talk to him. Gusto na niyang bumalik ng Maynila. Wala ito sa kwarto nila. Hindi rin naman daw umalis.

He must be in the library, he thought. And so he went to check his father's office/library.

He was about to knock at the huge wooden panel door nang marinig niya ang pamilyar na boses mula sa loob. Medyo nakaawang kasi ang pintuan.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Ano bang mahalagang bagay ang pag-uusapan natin? Ang serious mo naman. Kinakabahan tuloy ako."

Si Hana? What is she doing here?

"I need to talk to you in private, Hana. Kaya kita dinala dito. Pero bago ko sabihin sa'yo ang pakay ko, I want you to think that I am not taking advantage of the whole situation. Mahal kita, alam mo 'yan, and although wala akong ibang pinangarap na maiharap sa dambana kundi ikaw, it is absolutely not this way. Kung ako lang ang papipiliin, I still prefer the other way around. I don't mind waiting. Really."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Marry me, Hana."

Si JM, nagpo-propose kay Hana? What the fuck? Is he serious?

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Hana. "Nagbibiro ka yata, eh. Pinagtitripan mo yata ako."

"Look at me, Hana. Mukha ba akong nagbibiro?"

"Seryuso ka talaga? Grabe, parang bigla naman akong nawindang."

Wake up, dude! The girl doesn't love you. Obvious naman, eh. How stupid of him.

"Marry me, Hana. That way, matutulungan kitang ipagamot ang tatay mo. I've talked to his doctor. Your father needs a series of expensive operations. Kung may sarili lang akong pera, tutulungan kita nang walang hinihinging kapalit. Kaso wala. I'm still studying Law at alam mo 'yan. Hindi kita matutulungan financially. But that doesn't mean na hindi na talaga kita matutulungan. May paraan pa. I can use my family's political connection. Marry me, Hana, at mapapadali para sa atin ang ihanap ng sponsor ang pagpapagamot ng tatay mo."

Talagang ginamit pa nito ang sitwasyon para lang makuha ang gusto. How selfish!

"Mahal kita, Hana. Wala akong ibang hangad kundi ang mapasaya ka. Please give me a chance para i-prove kung gaano kita kamahal. I'll be a good husband, promise. Hindi naman siguro ako ganoon kahirap mahalin, 'di ba? Matututunan mo din akong mahalin." JM's voice was pleading. He actually sounded pathetic.

Hindi niya napigilan ang sariling mapangisi. The mighty JM dela Francia was pleading a woman to love him back? How pathetic!

"Hindi naman sa mahirap kang mahalin, JM. Sa katunayan nga ay na sa'yo na ang lahat ng pwedeng hanapin ng isang babae sa lalaking mapapangasawa niya. Kaso... ano, eh... parang 'di naman ako nababagay sa'yo... Parang ---"

"Can you stop belittling yourself? God, you're so beautiful, Hana. Inside and out. Napakaswerte ng lalaking mapapangasawa mo. And I want to be that man. I want to be your husband, Hana. I want to spend the rest of my life with you."

Parang gusto niyang kilabutan sa mga pinagsasabi ni JM. Wala na ba itong ikaka-corny pa?

"Pwede ko ba munang... pwede ko ba munang pag-isipan ang lahat?"

"Yeah, yeah. Sure. Pwede mong pag-isipan muna ang lahat. Though, I'm afraid you don't have enough time. We are running out of time here."

At nang-blackmail pa. What he heard was enough. Nilisan na niya ang lugar. Hindi na rin niya gustong makausap ang ama. Hindi na muna siya babalik ng Maynila. He had better things in mind. Parang gusto niyang ngumisi. Everything's falling into place.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon