Forty Three

56.8K 539 16
                                    

Mataman niyang tinititigan ang mukha ni Ram habang busy ito sa pagbabasa ng libro. Naramdaman marahil nito ang ginagawa niyang pagtitig dito kaya't nagtaas ito ng tingin bigla. Nagpang-abot ang kanilang mga paningin.



"What?" Salubong ang mga kilay nito nang nagtatanong.



"Magkuwento ka na kasi," aniya.



Kumunot pa lalo ang noo nito. "About what?"



"Yung tungkol sa ano dati.. alam mo na. Talaga bang tinangka mong ligawan ako? Talaga bang nandoon ka noong nagtapat si Andrei sa 'kin? Bakit 'di kita nakita?"



He groaned. "Oh, c'mon, Hana. You had been talking about that for the past two weeks. Don't you have better things in mind?"



Totoo. Dalawang linggo na mula noong ipinagtapat nito ang tungkol sa naunsyami nitong panlilgaw sa kanya. At kinukulit na niya ito since then. Pano, ayaw magkuwento.


"Magkuwento ka na kasi. Di ka kasi nagkukuwento kaya 'di tuloy ako maka-get over. Talaga bang crush mo 'ko dati? Pano nangyari 'yon? Bakit 'di ko man lang nahulaan?" ang sunod-sunod na tanong niya dito. Hanggang ngayon kasi ay 'di pa rin siya lubos makapaniwalang nagkagusto ito sa kanya dati. Kasi ang sungit-sungit nito sa kanya dati pa, 'di ba?



"It was just a crush, for Pete's sake. Don't make a big deal out of it," ang pasuplado nitong wika.



"Maaaring sa'yo wala lang 'yon, pero sa 'kin ay talagang big deal na 'yon. Parang ang hirap lang kasing paniwalaang magkakagusto ka sa 'kin noon. Bakit kasi ayaw mong magkuwento?"

"Because that is so embarassing!" anito na ikinatawa niya ng malakas.

"Embarassing?" ang natatawa niya pa ring wika. "Pano naman naging embarassing 'yon? Eh, 'di ka nga nahihiyang ikuwentong nakikipagsiping ka sa kung sinu-sinong babae, tapos para crush lang, nahihiya kang i-share?"

"Well, that was different, okay?"

"Pano naman naman naging different 'yon?"

"Basta, magkaiba 'yon. Now, will you please leave me alone? I am studying for an exam, hindi mo ba nakikita?" At talagang itinaas pa nito ang hawak na libro.

"Oo na, oo na. Suplado," aniya sabay irap dito bago niya itinutok sa TV ang paningin.

"At pwedeng pakihinaan na rin 'yang volume ng TV. Para kang bingi, eh," ang pahabol pa nitong wika.

Umakto siyang ipupukpok sa ulo nito ang hawak na remote, na agad din namang niyang ibinaba sabay tingin sa TV, noong bumaling ito sa kanya.

"I saw that," anito.

Lumingon siya dito sabay "peace" sign. Sumimangot lang ito. 

Suplado! saisip niya bago muling itinuon ang paningin sa TV.

Ngunit makalipas ang limang minuto ay natagpuan na naman niya ang sariling nakatitig sa mukha nito.

"Stop starring at me, Hana," he said without looking at her.

Napakamot tuloy siya ng ulo. "Eh, kasi naman ayaw mong magkuwento. Kung nagkukuwento ka ba naman, eh, 'di sana'y matagal nang natapos ang usapang ito," aniya.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon