Thirty One

59.3K 521 6
                                    

"You're already married, Ate Hana?"

"Ha?" Napabaling si Hana kay Gem, ang isa sa dalawang naging ka-close niya noong mag-college na siya. Pareho kasi sila ng kurso kaya magkaklase sila sa lahat halos ng subjects.

Anak-mayaman si Gem. Maganda. Englisera. Pero mabait naman. Kaya nga sila nagkakasundo, eh.

"This is a wedding ring, right?" Kinuha nito ang kaliwang kamay niya.

"Oo nga, Ate Hana, ngayon ko lang din napansin. Wedding ring 'to 'diba? May asawa ka na?" ang sabat naman ni Chloe, ang isa pa sa mga ka-close niya. Unlike Gem, hindi mayaman ang pamilya ni Chloe. Probinsyana ito, actually. Matalino kaya nakakuha ng scholarship.

"Naku, hindi!" Dali-dali niyang binawi ang kamay mula kay Gem. "Ano lang 'to, friendship ring. Friendship ring namin nung bff ko sa probinsya. Saka mumurahin lang 'to. Peke kasi 'to. Nabili lang namin sa bangketa," ang pagsisinungaling niya.

Buti nalang at 'di niya suot ang engagement ring na bigay ni Ram, kundi baka iyon usisain. Takot kasi siyang mawala iyon kaya hindi niya isinusuot.

Hindi niya ikinahihiya si Ram. Sa katunayan ay siya na siguro ang pinaka-proud na asawa. Iyon ay kung pwede lang niya itong angkinin at ipagmalaki. Pero hindi, eh. Maliban sa suot niyang singsing at sa papel na pinirmahan nila ay wala na siyang ibang hawak na katibayang magpapatunay na mag-asawa nga sila. Ni hindi nga sila nagsisiping. Magkahiwalay pa nga sila ng kuwarto, 'di ba? Anong pwede niyang ipagmalaki doon?

"I'm so glad, Ate Hana. Kundi malulungkot si Kuya Gio ko," ani Gem.

"Ano?"

"Yes, he likes you. Kaya nga sinisipag iyong ihatid at sunduin ako, eh. Because he wants to see you. He was actually asking for your number. Can I give it to him? Hindi ka naman magagalit?"

"Ha? Ah, eh, ano, eh..."

"Please, Ate Hana. Please. Can you give him a chance para ligawan ka? You're so bagay pa naman together. Pretty ka, guapo si Kuya Gio ko."

"Oo nga, Ate Hana. Bagay kayo noong kuya ni Gem." Si Chloe.

"See? Pati si Chloe, nag-a-agree. I told you, bagay kayo ni Kuya Gio. And take note, hindi lang guapo si Kuya Gio ko. Mabait na, matalino po. Cum laude 'yon noong grumadweyt. At take note ulit, businessman din siya. Nasa second year college palang siya, may sarili na 'yong negosyo. Hanggang sa grumadweyt siya, hindi siya umaasa kina Daddy at Mommy financially."

"O, ayan, Ate Hana. All-in-one naman pala 'yang kuya ni Gem. Wala ka nang hahanapin pa."

"Ano kasi. Hindi muna ako magbo-boyfriend ngayon. Studies muna ang priorities ko sa buhay," aniya.

"Sus, Ate Hana, you're not getting any younger na naman, eh. And it's not that you're getting married agad-agad, you know?" Gem insisted.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon