Sixteen

64.1K 582 11
                                    

Maingay ang paligid. Food and drinks were everywhere. His parents won the election and they're throwing a huge party to celebrate.

Papunta sana si Ram sa garden nang may marinig siyang nag-uusap mula sa bakal na table set sa may patio. He recognized JM and Hana's voices. Kaya pala biglang nawala ang mga ito kanina, naisip niya. Kinaladkad pala nito si Hana papunta doon. Gusto yatang mapag-isa kasama ito.

Agad niyang ikinubli ang sarili sa malaking urn. He felt stupid for eavesdropping but he couldn't help it.

"Pasensiya na talaga, JM, pero feeling ko talaga, eh, 'di tayo bagay. Kung sa cell phone, iPhone ka, Cherry Mobile lang ako. Kung sa pagkain, cake ka, nilagang saging lang ako. Kung sa inumin, wine ka, tuba lang ako. Kung sa ---"

"That's bullshit! Why are you comparing yourself to nilagang saging at tuba? You're worth more than than, Hana. Di mo lang alam."

"Eh, hindi mo naman ako masisisi kung ma-insecure ako, 'di ba? Tingnan mo nga 'yang sarili mo. Ikaw si JM dela Francia. Ilang taon na lang, magiging ganap ka ng abogado. Eh, sino ba naman ako? Ni hindi man lang ako nakapagkolehiyo. Maipagmamalaki ko ba 'yong mga sash at trophies ko?"

"You want to go to college? Pag-aaralin kita. Kahit na anong course ang gusto mo. You can be anything you want. That way, hindi mo na kailangang ma-insecure."

Napakunot-noo siya. Diyata't may balak pa itong maging sugar daddy ni Hana. How ridiculous!

"Naku, nakakahiya naman. 'Di ko naman siyempre mapapayagan 'yon. Hindi ko naman kayang abusuhin ang kabaitan mo o ng mga magulang mo. Sobrang kapal naman ng fez ko 'pag ginawa ko 'yon."

"Hana, Hana, listen. Mahal kita kaya ko ginagawa ang lahat ng ito. Everything I did and everything I'll do, lahat 'yon ay dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Ayokong isipin mo na sinasamantala mo ang kabaitan ko because that's not the way I see things. Masaya akong napapasaya ka and I hope you know that."

Napangiwi siya. How corny!

"Hindi kita minamadali, Hana. Take your time. As of now. Masaya na akong nakikita ka. Na nakakasama ka. That's more than enough."

Hindi niya narinig na sumagot si Hana. Noon tumunog ang cellphone ni JM. Agad itong nag-excuse.

Siniguro muna niyang wala na si JM bago dali-daling lumapit kay Hana. Medyo nagulat pa ito nang makita siya pero 'di naman ito pumalag nang hilahin niya ito papunta sa garden.

"Anong ginagawa mo?" anito noong nasa garden na sila, sabay bawi sa kamay nito mula sa kanya.

Medyo nakakubli ang parteng iyon kaya sigurado siyang may privacy sila doon.

"Eh, iniwan ka ng kausap mo doon," aniya.

"May kausap kasi si JM sa telepono kaya siya umalis. Pero babalik din daw siya agad. Teka, bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa'yo? Makabalik na nga doon at baka hinahanap na ako noong tao."

He grabbed her by the wrist.

"Ano na naman? Alam mo, 'di ka pa rin nagbabago, nangangaladkad ka pa din patungo sa kung saan. Ano ba talagang problema mo, ha?" Pinandilatan siya nito ng mga mata. She looked cute 'pag galit.

"Wala," aniya. "May gusto lang akong malaman."

Then he grabbed her by the waist and pulled her closer to him to claim her mouth. He used his other hand to cup her face. Then he kissed her.

Saglit itong natigilan. He felt her body froze. He took it as a good sign and kissed her more intimately.

He succeeded. Ilang segundo lang ay nararamdaman na niya ang dahan-dahan nitong pagtugon. He guided her hand to his nape. Hindi naman ito pumalag. Bagkus ay talagang kumapit pa ito sa kanya.

His tongue made its entrance to her heavenly mouth and he felt her moan. He felt her pulled him, too. It was like he was clinging to him for dear life. He took the chance and begun exploring every sweet recess of her mouth with his own tongue. And oh, she's so sweet. Every single recess of her mouth feels like heaven.

He wanted to deepen the kiss even more but he has to stop. Bago pa siya hindi makapagpigil, he has to stop. Bago pa niya makalimutan ang tunay na pakay, he has to stop. And so he did.

He reluctantly pulled away from her. She was still closing her eyes kahit hiwalay na ang mga labi nila. Mukhang ayaw din nitong matapos ang pinagsasaluhan nilang halik. He fought the urge of claiming her mouth again in another round of delicious-as-hell kiss.

That's enough, man. That's enough.

Dahan-dahan itong nagbukas ng mga mata. Round, bewildered eyes stared back at him.

"Is that sweet enough?" he teased her.

Hindi ito nakasagot. She was still in daze, he can tell.

"Hana! Narito ka lang pala!" anang isang boses mula sa kanilang likuran. Sabay silang napalingon dito.

He saw JM marching towards them. Agad na dumistansiya si Hana mula sa kanya.

"Anong ginawa mo kay Hana?" anito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Nothing. Bakit? Ano bang pwede kong gawin sa kanya?"

Nagtangis ang mga bagang nito. "Get the hell out of here!"

"Relax. High blood ka naman masyado. Bye, Hana. Thanks," he said to the still dazed Hana before he marched out of the place.

Hindi niya napagilan ang sariling mapangisi noong nakatalikod na siya sa mga ito. Mission accomplished!

I'm gonna burst that big-as-hell ego of yours! he thought. At si Hana, si Hana ang perfect instrument para magawa niya iyon.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon