Twenty

62K 540 9
                                    

"What did you do, you bastard!"

Nakita ni Ram na susugurin siya ng suntok ni JM pero 'di siya umilag. 'Di rin siya lumaban, pumikit lang siya noong tamaan ng kamao nito ang kanyang sikmura. At kahit noong kwelyuhan siya nito ay 'di siya pumalag.

"Anong ginawa mo kay Hana, ha!"

"Tama na 'yan, Juan Miguel!" ang awat ng Mama nila.

"Leave us alone, Ma! Tuturuan ko lang ng leksyon 'tong magaling mong anak!" ani JM, hawak pa din siya sa kuwelyo.

"I said, stop it!" anang Mama nila.

Noon siya binitawan ni JM. Kusang hinahap ng mga mata niya si Hana. Nakaupo ito sa isang sulok. Nakatungo.

Naroon silang apat sa library. He brought Hana there, after she said yes.

Oo, pumayag na si Hana na pakasal sa kanya. At 'di na siya nag-aksaya ng panahon. Agad niyang inuwi si Hana sa bahay nila upang ipaalam sa mga magulang ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Hana. And to see JM's reaction.

And it was priceless! Seeing the anger on JM's face brought a different kind of satisfaction unto him. Ang sarap sa pakiramdam.

For the very first time ay naramdaman niya kung papano maungusan si JM. He felt triumphant.

"Hana, anong ginawa nitong hayop na 'to sa'yo? Pinilit ka ba niya? Tinakot? Tell me." Si Hana naman ang binalingan nito.

"Sorry, JM. Sorry," ang mangiyak-ngiyak ni sagot ni Hana.

"No, no, Hana. Don't say that. 'Wag kang mag-sorry. It's not your fault, pinilit ka lang naman ng gagong 'to, 'di ba? Tell me. You don't want to marry him, right? He's lying, right? Tell me."

Ram fought the urge to laugh out loud. Hindi niya alam kung maaawa siya o matatawa siya kay JM. Why, he had never seen him so desperate before.

Marahang umiling si Hana. Muling tumayo si JM at akmang susugurin siya ng suntok.

"Tama na, Juan Miguel! Tama na!" awat ng Mama nila. Pumagitna ito sa kanilang dalawa.

"Tumabi ka, Ma, at babasagin ko ang pagmumukha nitong walang kuwenta mong anak!" ani JM. "Wala ka nang ginawang matino! Wala ka na bang nakitang ibang babae, ha? Alam mo namang nililigawan ko si Hana! I am going to marry her!"

"Well, she's marrying me! Don't you get it? She doesn't want to marry you!" aniya.

"Tama na!" anang Mama nila.

"Wala kang maibibigay sa kanya! Ni sarili mo ngang buhay, 'di mo maayos-ayos!"

"Hindi mo pa rin mababago ang katotohanang sa akin gustong magpakasal ni Hana! Akala ko ba matalino ka? Ba't 'di mo makitang ako ang mahal ni Hana at hindi ikaw!"

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora