Twenty Two

61.8K 585 9
                                    

"Oo. Bakit? Alangan namang umuwi pa ako, 'di ba? Wala akong dalang kotse, baka nakakalimutan mo."

Nanlaki ang mga mata ni Hana dahil sa narinig mula sa kanya. She looked cute. Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti.

"Hindi pwede." Humarang ito sa harapan niya.

"At bakit?"

"K-kasi... kasi... tayo lang ang nandidito."

"And so? Engaged na naman tayo. Anong problema?"

She was blushing. Iyon ang gusto niya kay Hana. Madali itong mag-blush. She was too transparent. Lahat ng nararamdaman nito, nahuhulaan niya nang walang kahirap-hirap.

"Kahit na. Hindi pa din pwede. Di pa naman tayo kasal, 'di ba? Malay ko ba kung may masama kang binabalak. Tapos 'di matuloy 'yong kasal natin. Eh, 'di naagrabyado pa ako."

"Pakiramdam mo talaga, eh, lage akong may gagawing masama sa'yo, ano? Bakit ba tila takot na takot ka sa akin, ha? Ah, alam ko na," aniya. He's in the mood to tease her. Parang ang sarap kasi nitong pikonin. "Virgin ka pa, ano?"

Mas lalo itong namula at bago pa niya nahulaan ang gagawin nito, lumipad na ang palad nito at dumapo iyon sa kanyang pisngi.

"Bastos!"

"Aray ko! Why did you hit me?" Nagulat siya. Ito kasi ang kauna-unahang babaeng nakasampal sa kanya.

"Nagtanong ka pa!" anito bago lumabas ng kwarto.

Sinundan niya ito.

"Ano bang masama doon, ha? Para nagtatanong lang naman."

"Lahat! Lahat masama! Yang bawat salitang lumalabas diyan sa bibig mo, masama! Yang ugali mo, masama!"

"At kailan pa naging masama ang pagtatanong, ha?"

"Ewan ko sa'yo!" Muli itong pumasok sa silid nito at noong lumabas ay may bitbit nang unan at kumot. "Oh! Diyan ka matulog!" anito sabay hagis sa mga iyon sa mahabang upuang gawa sa kawayan.

"Dito mo ako patutulogin?" aniya dito.

"Bawal ang mga manyak sa loob ng kwarto ko!" anito at saka nagmartsang pabalik sa silid nito.

"Naku, pano yan? Sa'n ako matutulog 'pag kinasal na tayo?"

"Sa banyo!"

Natawa siya nang malakas bago ipinuwesto ang sarili sa upuan. Makatulog na nga lang.

Ngunit makalipas ang kalahating-oras ay gising na gising pa din siya. Maliban kasi sa ang tigas ng kinahihigaan niya, eh, andami pang lamok. Di na siya nakatiis, bumangon na siya at sinilip si Hana sa loob ng silid nito. Tanging kurtina lang ang nagsilbing pintuan ng silid nito kaya 'di siya nahirapang pumasok.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon