Thirty Three

60.2K 494 4
                                    

Pupungas-pungas si Hana noong bumangon siya para buksan ang pintuan ng condo. May nagdo-doorbell kasi. Tiningnan niya ang nakasabit na orasan sa may sala noong papalabas na siya, mag-aalas-dos na ng madaling araw. Sino ang bibisita sa kanila ng ganitong oras?

Dumaan siya sa kwarto ni Ram para sumilip, wala pa ito. Kinabahan siyang bigla. May nangyari kayang masama rito?

Dali-dali siyang lumapit sa may pintuan upang sumilip sa may peephole. Nagulat siya nang ang mukha ni Ram ang agad na bumungad sa kanya. Anong ginagawa ni Ram sa labas? Bakit hindi pa ito pumapasok? Bakit kailangan pa nitong mag-doorbell gayong pwede naman itong pumasok ng kusa? Parahe naman silang may key card.

Agad niyang binuksan ang pintuan upang malamang hindi pala nag-iisa si Ram. May kasama ito,  sina Roanne at Maryo, kung hindi siya nagkakamali. Nakaalalay ang dalawa sa tila nanghihinang si Ram.

"Anong nangyari sa kanya?" aniya sa mga ito. Niluwagan niya ang pagkakabukas sa pintuan upang makapasok ang mga ito. 

"He's drunk," ang sagot ni Roanne. 

Mukhang nakainom din ang mga 'to. Hindi nga lang kasing lasing ni Ram.

"Here's the key to his car," ang wika ni Maryo matapos nitong ilapag ang walang malay na si Ram sa couch. 

Tinanggap naman niya ang susi mula dito.

"Wait. Let me just get something," ani Roanne bago ito naglakad papuntang kusina.

At home na at home ang bruha. Bigla tuloy'ng nabuhay ang inis niya dito.

"What are you doing, Roanne? I'm leaving," ani Maryo.

"Wait lang kasi. Kukuha lang ako ng pampunas kay Ram. He doesn't look okay," anito. 

Aba... aba... aba.. ibang usapan na yata 'to. Bakit nito pupunasan si Ram? Kung makaakto namang 'tong isang 'to, dinaig pa akong asawa. Parang gusto na niya itong sabunutan.

"Oh, c'mon. Trabaho na ni Hana 'yan," ani Maryo.

Buti pa 'tong isang 'to. May common sense, saisip niya.

"Shut up, Maryo. I know what I'm doing. This is all your fault. You shouldn't have let Ram drink that much."

"For Pete's sake, hindi na bata si Ram. He knew what he's doing. Isa pa, he's been drinking ever since alcohol was invented so shut the f*ck up. I don't know about you but I am leaving..."

"Okay. Fine. I can go home all by myself!"

Aba.. aba.. aba.. at mukhang ayaw talagang umuwi ang bruha. May balak pa yatang bantayan si Ram hanggang sa mag-umaga. 

"Excuse me," ani Hana dito. Hindi na kasi siya makatiis. "Mukhang trespassing naman yata 'yon. Ako kasi iyong asawa, eh. Ito oh, singsing." Itinaas pa niya ang suot na wedding ring. "Mukhang trabaho ko na yata 'yan."

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon