Fifteen

67.7K 574 12
                                    

"Ihahatid na kita, Hana," ani JM.

As usual, nanggaling na naman sila sa pangangampanya. Ilang araw na lang kasi ang natitira at eleksiyon na. Kailangang sulitin ang nalalabing mga araw.

"Naku, 'wag na, JM. Magta-traysikel nalang ako. Maaga pa naman," aniya.

"Do you think I will allow that to happen? Mahirap na, baka mapagtripan ka pa diyan sa labas," anito.

Napangiti si Hana. Hari talaga ng ka-sweetan 'tong si JM. Wala na kasi itong ibang ginawa kundi asikasuhin siya. Feeling niya, eh, ang haba-haba ng hair niya.

Pero bakit ganoon? Kahit todo effort na ito para pasayahin siya, wala pa din siyang makapang kilig sa puso niya para dito.

Nafa-flatter siya, oo. Pero hanggang doon lang. Walang kilig factor.

Guapo naman ito. Matalino. Mabait. Gentleman. Sweet. Sa katunayan ay na kay JM na ang lahat ng katangiang hanap ng mga babae sa isang lalaki. Kung tutuusin nga ay over qualified na ito para maging manliligaw niya. Sino ba naman siya para ligawan nito, 'di ba?

Oo, nililigawan siya nito. Dalawang linggo na rin siguro. At imbes na matuwa siya ay tila napi-pressure pa siya. Nakaka-pressure itong kasama. Feeling niya, eh, dapat she's always at her best 'pag magkasama sila. Feeling niya, eh, dapat perpekto lahat ng tungkol sa kanya 'pag kasama niya ito --- kilos niya, pananamit niya, pati pananalita niya. Ganoon kasi ito, perpekto sa lahat ng bagay. Parang 'di naman sila bagay.

"So? Shall we?" anito.

Noon bumaba ng hagdanan si Ram. At kung nakamamatay ang matatalim na titig, siguro kanina pa siya bumulagta. Pano, kung makatitig ito sa kanya, parang tagos hanggang kaluluwa. Ano naman kaya ang problema ng mokong na 'to? Mukhang badtrip na naman ang loko.

"Ah, s-sige. Kung okay lang talaga sa'yong ihatid ako," aniya kay JM.

"It's my pleasure, Hana. Alam mo namang wala na akong gustong gawin kundi ang pagsilbihan ka."

Napangiti siya.

"So, shall we?"

Tumango siya.

Papalabas na sila ng bahay nang biglang tawagin ng campaign manager si JM. 

"JM! I have to talk to you about something. Do you have some time?"

"Is that something important, Mr. Gonzaga? Kailangan ko pa po kasing ihatid si Hana sa bahay nila."

"Very important. Wala po bang ibang pwedeng maghatid diyan sa gf mo?"

GF agad? Assuming naman 'tong kalbong 'to, saisip ni Hana. Ewan ba niya, pero napi-pressure siya kapag ina-assume ng mga taong girl friend na siya ni JM. Parang ang taas naman kasi ng libel nito. 'Di niya keri.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon