Twenty Eight

58.2K 550 2
                                    

Naging mabilis ang mga sumunod na araw. Sinamahan niya si Hana papuntang Maynila upang sunduin ang mga labi ng Tatay nito at iuwi iyon ng San Gabriel. His parents ensured that Hana's father received a decent burial. Hindi lang iyon, nag-offer din ang mga itong bigyan ng capital ang Nanay ni Hana nang makapagsimula ito ng maliit na negosyo. He didn't know if his parents' intention was pure but he was glad, nonetheless. At least, eh, nagkusang-loob naman ang mga itong tumulong. 

After a week since Hana's father's burial ay ipinasya na niyang bumalik ng Maynila kasama ito. Magsisimula na rin kasi ang semester, kailangan na nilang mag-enroll. Yes, Hana's entering college this sem, as well. Desisyon ng parents niya. They insisted that she enroll this sem kahit na anong tutol ni Hana noong una. 

"Dito ka nakatira?" anito habang iginala ang paningin sa loob ng condo unit niya.

"Yup," he said as he dropped the heavy baggages somewhere. Mga gamit iyon ni Hana, she's living with him, of course.

"Ang laki naman," anito. "Mag-isa ka lang dito?"

"Of course," aniya bago nagtuloy-tuloy sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge. Pagbalik niya'y nasa sala pa din si Hana at hindi pa rin tapos sa pag-examine sa paligid. She looked amused.

"Hindi ka pa ba tapos diyan? We don't have time. Kailangan mo pang asikasuhin ang pag-i-enrol mo," he said as he swallowed one big gulp from the glass pitcher he's holding.

Bumaling ito sa kanya. "Hindi mo ako sasamahan?"

"Of course, not. May mga kailangan din akong ayusin." Bumalik siya sa kusina at saka inilapag sa may sink ang wala nang lamang pitchel. Sumunod ito sa kanya.

"Kahit sandali lang? Hindi mo ba talaga ako pwedeng samahan? Alam mo namang wala akong ibang kilala dito, eh. Please?" Para itong batang nagmamakaawa.

"C'mon, Hana, don't be childish. You can do it on your own." Gustuhin man niya itong samahan, hindi pwede. Kailangan pa niyang asikasuhin ang pagsi-shift niya ng kurso. 

Yes, he's shifting to another course again. But this time, it's for good. Malakas ang pakiramdam niyang ito na talaga iyon. Idagdag pang 'di na mabilang ang mga text messages at tawag na natatanggap niya mula kay Maryo, ang kaibigan niyang nagpautang sa kanya ng pambili ng singsing na ibinigay niya kay Hana. Nagtatanong ito kung kailan uli siya magpapakita sa bar. Nagpapa-part-time kasi siya doon para mabayaran ang inutang dito at hindi pa ito bayad hanggang sa mga oras na iyon. 

Lumabas siya ng kitchen. Sumunod uli ito.

"Oh, c'mon, Hana, don't give me that look. Asawa mo ako, hindi yaya. Don't expect me to escort you anywhere you go," aniya nang mapansing nakasimangot ito.

"Hindi naman 'yon, eh. Eh, alam mo namang 'di ko gamay ang Maynila." She was pouting. She actually looked cute.

"Pwes, masanay ka. Papano ka masasanay kung sa bawat lakad mo ay sasamahan kita? You're not a kid anymore, Hana. Act your age."

"O siya, siya. 'Di na kita pipilitin," ang tila nagmamaktol nitong wika. "Pero 'pag may nakilala akong guapo diyan sa labas na willing akong samahang mag-enrol, sasama ako."

"Don't you dare!" She was kidding, alam niya. Pero siya, hindi siya nagbibiro.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon