Kabanata 28

36 4 0
                                    

Kabanata 28

Nakanguso ako habang pinapanood si Axel na nakatutok sa kaniyang laptop at abala sa pagj-jot down sa notes niya, nasa may lamesa siya sa kusina para raw hindi niya ako maabala sa panonood ngunit mukhang kabaliktaran naman iyon.

Iritado ako nang bumungad siya sa akin sa labas ng gate nila Jerace. Naiinis pa rin ako sa itinanong niya sa akin.

"Sorry my baby," nakangising aniya nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Pasok ka na mahal na reyna."

"Huwag mo nang uulitin 'yon," pinanlisikan ko siya ng mga mata at pumasok na sa loob ng kotse.

Pinanood ko siyang umikot at buksan ang pinto sa driver seat, humikab ito at ngumiti sa akin. Nakasimpleng white t-shirt lamang siya at sweat pants pero sobrang pogi pa rin talaga. Magulo ang buhok nito na parang kagagaling lamang sa higaan.

"I love you baby," aniya at nagulat na lamang ako nang lumapit ito sa akin at hinalikan ako ng mariin sa mga labi.

He slightly bit my lower lip before leaving my lips.

"Hmm, I feel energized! Let's go!"

Bumuntong hininga ako at kumain na lamang ng ice cream na nakahain sa harapan ko. Bukas ang TV at pinapanood ko na naman ang The Four Sisters and a Wedding.

Lumingon ulit ako sa kaniya makalipas ang halos tatlumpong minuto. Ngumuso ako nang hindi niya pa rin ako pinapansin o kahit lingunin ay hindi niya man lang yata nagawa.

Ano pang silbi ng pagpunta ko rito? Edi sana hinayaan niya na lang ako sa silid para nakatulog na rin ako.

Tatlong araw kaming hindi nagkita matapos ang birthday ko dahil masyado raw nawili ang mga instructors nila at pinaulanan sila ng mga gawain, marahil ay christmas vacation na sa mga susunod na linggo. Naiintindihan ko naman iyon dahil ganoon din naman sina Jerace at April.

Pero kahit na tatlong araw kaming hindi nagkita ay hindi pa rin nawala sa akin ang masasayang alaala namin noong 19th birthday ko. Dinala niya ako sa MOA at kahit na gaano siya katakot na muling sumakay sa ferris wheel ay sinamahan niya pa rin ako. Naiiyak ako habang pinagmamasdan siyang mangatog sa harapan ko noon kaya gaya ng dati hinalikan na naman niya ako.

Marami kaming pictures sa cellphone niya at napangiti pa ako nang makitang nakasave iyon sa isang album na may name na "my baby".

Sobrang saya ko noon at noong mga nakaraang araw pa ngunit tila nabura iyon habang pinapanood siyang busy sa mga gawain niya sa school.

Naiintindihan ko pero nakakalungkot lang na busy siya tapos ako walang ginagawa..hindi naman ako nag-aaral.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at inubos na ang ice cream sa clear glass saka tumayo patungo sa kusina. Hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin si Axel at patuloy ito sa kung anong ginagawa niya roon.

Tahimik kong hinugasan ang baso at dinamay na rin ang dalawang pinggan na ginamit namin kanina. Nang natapos ay nilingon ko si Axel nang narinig na may kausap ito sa laptop.

"Sure, Meryl. Just email me the file, I already sent my email add," nangunot ang noo nito at tumango sa kaharap. "Kailangan ba raw iyon ngayon?"

"Yes, Ax! Hindi ba nasabi sa'yo ni Trist?"

Umiling si Axel at wala sa sariling hinawakan ang labi. I squinted my eyes to Meryl when I saw how her lips parted!

With my burning anger, I slowly reached the pitcher infront of his laptop. Nagulat si Axel at hinawakan ang baywang ko, sinadya kong makikita ako ng kung sino mang tao sa laptop niya.

"Baby, what are you doing?" Si Axel.

Napangisi ako at palihim na sinilip ang laptop niya at nakita ko pa kung paano nalaglag ang panga ng babae at mabilis na umalis sa may screen!

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now