Kabanata 20

47 5 0
                                    

Hello, for further understanding you can read the, The Unwanted Girlfriend. Mga side characters sila roon at nandoon ang eksenang ito pero puwede rin namang hindi. Kayo ang bahala, hehe. Enjoy reading!

Kabanata 20

Binungad ng lunes ng umaga si Jerace na masayang-masaya habang kumakain ng umagahan. Hindi pa ito matapos-tapos dahil tumawag ang kaibigan niyang si April.

Tahimik ko lang siyang pinapanood, mukhang excited ang babae dahil ngayong araw na yata ang foundation week nila.

Bumuntong hininga ako at naisip na wala na naman akong gagawin sa bahay pagkatapos kong maglinis. Kanina pa kasi akong gising dahil hindi naman talaga nakukumpleto ang tulog ko, nasanay na rin na maagang maglinis. Kinatok ko pa si Jerace sa kuwarto niya pero mas nagulat ako na gising na pala siya.

Dumaan ang sabado at linggo, hindi talaga ako pinuntahan ni Axel sa bahay. Samantalang mahilig naman siya pumunta dito, nagugulat pa nga ako na nariyan na siya sa may labas..kaya nakakapagtaka na hindi niya man lang ako pinuntahan.

Siya naman ang may kasalanan, bakit ako itong parang nalugi?

Bumuntong hininga ako, dapat ba akong mag sorry sa babaeng iyon?

Napatingin ako kay Jerace nang tapusin niya na ang tawag kay April kaya nilunok ko muna ang pagkain bago nagsalita.

"Kumain ka na baka malate ka," sambit ko at inusog ang plato ng kanin sa kaniya.

"Opo, Ma'am Chenny!" Biro nito at nagsimula nang kumain.

"Liligo ka pa, kaya bilisan mo," dugtong ko.

Taka itong tumingin sa akin pero hindi ko na pinansin. Diretso lang ang kain ko kahit na wala akong nalalasahan, masama ang panlasa ko.

Muli kong napansin ang pagsulyap ni Jerace. "Say it."

"Ha?" Maang ng bata.

Uminom muna ako ng tubig at tumingin sa kaniya. "Kung may sasabihin ka, just say it."

Ngumuso ito sa akin at bumuntong hininga. "Anong problema mo? Bakit ang sungit mo?"

Natigilan ako pero hindi ko pinahalata. Nakakagulat na napansin niya pa iyon.

"Wala. Just finish your food, Jerace."

Pero ang bata ay hindi nagpatalo. Kung anu-ano pa ang sinabi na kesyo hindi na raw ako nagkukuwento, samantalang lantaran siya kung magsabi sa akin ng tungkol sa buhay niya kaya para matapos lang ang usapan ay bumuntong hininga ako.

"Nag-away kami!" Bulalas ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Jerace. "Psh!"

"Ah, kaya ganiyan ang asta mo?" Tumaas ang kilay nito. "Ano bang nangyari?"

"Mahabang kuwento. Tapusin mo muna iyan at maligo ka na," pag-iiwas ko sa usapin.

"Psh! Edi paikliin mo!" Kinuha niya ang mga pinagkainan at binitbit na palabas ng dining room, hindi na ako nakaangal pa. "And besides, I'm done. Kaya go na, spill it!" Nanlilisik ang mga mata nito sa akin.

Inis akong sumunod sa kaniya, hindi ko rin alam kung saang bagay ako naiinis.

"Ayaw niya raw sa ugali ko na isip bata! Wow ah? Ako pa talaga. Eh nakakainis nga 'yong babae na iyon eh! Mas isip bata iyon!" Sa wakas nasabi ko rin ang ilang araw ko nang iniisip.

Bakas ang gulat kay Jerace at parang natatawa na ewan. Nangunot ang noo ko.

"Ah! So nagselos ka? Tapos, nagkasagutan kayo kaya kayo nag-away?"

Tumango ako sa kaniya. "Oo iyon na nga. Kasi naman hindi siya nagrereply sa mga texts ko! Langyang Axel na iyan!" Inis kong hinatak ang sariling buhok bago napanguso. "Paasa ang punyeta."

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now