Kabanata 4

55 8 2
                                    

Kabanata 4

Lumipas ang mga araw, mga linggo hanggang sa umabot ng ilang buwan. Nanatili ako sa pamamahay ng mga Walkins. Laking pasasalamat ko dahil nakaipon ako kahit papaano.

Hindi ko rin inakalang, dito na rin ako aabutin ng ikalabing pitong kaarawan ko. Walang may alam kahit isa, dahil hindi ko naman talaga sinabi kahit sa batang Walkins.

Ayaw ko na paghandaan niya pa ako, hindi naman sa nag-aassume ako. Alam ko lang ang ugali ni Jerace at tiyak akong magpapahanda iyon kapag nalaman na kaarawan ko.

Niyaya ko lang siyang kumain sa pambansang fast food. Iyong jollibee. Takang-taka naman siya at nanlibre raw ako, ngunit bukod roon, hindi niya na nalaman kung anong meron nang araw na iyon.

Ayos lang naman sa akin. Ang presensya niya ay sapat na.

Binati ako ni papa at sinikap pa niyang makapagpadala ng regalo sa akin. Nais niya akong pauwiin, ilang beses siyang nagtext at tumawag na umuwi ako sa birthday ko dahil magpapahanda raw siya.

Hindi ko lang maintindihan sa sarili ko kung bakit tumanggi ako.

Sa unang pagkakataon ay tinanggihan ko si papa.

Ayaw ko lang na makita ni mama na handa si papa na gumastos para lang sa akin. Alam kong doble ang galit na mararamdaman ni mama at ni Ate George sa akin kapag nagkataong natuloy nga ang plano ni papa sa akin.

Masaya naman na ako na sinasagot ni papa ang mga tawag at texts ko. Masaya ako dahil pinadalahan niya rin ako ng regalo at iyon ay bagong dress na kulay pula at pink. Gustong-gusto ko ang mga iyon at bumagay rin sa hugis ng katawan ko.

Sa tuwing day off ko naman ay palagi lang akong namamasyal sa parke, malapit lang din iyon sa bahay ng mga Walkins. Suot ko palagi ang regalo ni papa sa akin.

"Pasaan ka, Chenny?"

Nakangiting mukha ni Ate Berna ang sumalubong sa akin.

"Bihis na bihis ang aming dalaga. Pasaan ka? Umalis na si Jerace kanina ah?" Ibinaba niya ang hawak na basahan at parang nanay na tumingin sa akin. "Ikaw ba ay may nobyo na?"

Namula ang mukha ko. "Ate Berna, wala ah! Lalabas lang ako saglit, mamasyal lang."

Tumawa ito. "Sinong kasama mo? Wala si Jerace at na kina April iyon, alam mo na busy sa mga gawain sa school."

"Ako lang po, Ate Berna. Sa may bayan lang naman ang punta ko."

Tumango siya at muling kinuha ang basahan. "Ipapahatid kita kay Fred. Hintayin mo ako diyan-"

"Wag na po! Ate Berna, ayos lang ako. Magc-commute na lang po ako."

Nanliit ang mga mata niya. "Oh sha sige na. Basta uuwi ka rin agad bago mag gabi."

Tumango ako at ngumiti saka nagpaalam na rin sa kaniya. Sanay na ako kay Ate Berna, para kasing anak ang turing niya sa akin. Sa totoo lang, mas gusto kong kasama ang mga tao rito kaysa sa bahay kaya halos minsanan na rin ako umuwi sa bahay namin sa Batangas.

Suot ang bistida na kulay pink at simpleng flat shoes naman ang aking pambaba. Basta ko na lang ding nilugay ang kulay brown kong buhok. Tuwang-tuwa palagi si Jerace sa buhok ko, sabi pa niya ay mas mukha raw akong tao kaysa sa kaniya. Tinatawanan ko na lang ang mga biro niyang ganoon. Sino pa bang tatalo sa kagandahan niya?

Hindi ko na rin masyadong nahahatid si Jerace sa school nila, palagi niya na rin namang kasama iyong si April. Nakakatuwa at nagdadalaga na rin talaga siya.

Pinara ko ang jeep nang makitang patungo ito sa bayan. Mabilis lang ang naging byahe kahit na ayaw ko pang bumaba ay wala naman akong nagawa.

Tinungo ko ang mall at dahan-dahan pang naglakad palapit. Grabe talaga, hindi pa rin ako makapaniwalang, nakakaya ko nang pumasok sa ganito. Kung noon ay naghihintay lamang ako ng kung anong tira ni Ate George.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now