Kabanata 22

38 5 1
                                    

Kabanata 22

Linggo ng umaga nang magising ako sa tawag ni Mama. Ikinagulat ko na naman ang paghingi nito ng malaking pera at itinanong na naman kung bakit hindi ako umuuwi.

"Ma, busy pa po kasi ako rito kaya hindi na muna ako umuwi noong nakaraang linggo," sagot ko habang kinukusot ang mga mata.

Napatingin ako sa oras na nasa cellphone at alas tres pa lang ng madaling araw.

"Ang sabihin mo, kinalimutan mo nang may pamilya ka rito! Nagtext daw sa'yo si Samuel pero hindi mo nir-replyan!" Bulyaw ni Mama sa kabilang linya.

Napamaang ako at muling nakaramdam ng kaba. "H-Hindi ko po natanggap ang text niya, Ma."

"Nanghihingi sa'yo ng allowance! Ano? Ayaw mo na magbigay dahil maalwan naman ang buhay mo riyan?!"

I sighed. Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.

"Ang papa mo, hindi pa nagpapadala! Nasaan ba iyang magaling mong ama ha?! Sa susunod ay ipapasundo ko na siya kay Samuel!" Matindi ang galit na nagmumula kay Mama kaya hindi muna ako nagsalita. "Huwag mong hintayin na ipahiya pa kita diyan sa bahay ng amo mo, Chenniah! Huwag mo akong subukan! Kayang-kaya kitang sunduin diyan at ipasok kay Martha! Subukan mong hindi magpadala ng pera, sisirain kita sa mga tao diyan!!"

Sa huli ay pumayag na lamang akong magpadala ng pera para raw sa allowance ni Ate George at ng nobyo nito. Five thousand ang ipapadala ko sana pero hindi pumayag si Mama at tumawad hanggang sampung libo, na wala naman akong nagawa kundi ang bumigay na lamang.

"Sama-sama tayo sa buhay na ganito, Chenniah, sa impyernong ginawa ng ama mo! Huwag mong kalimutan ang pamilyang nagpalaki sa'yo, nakatikim ka lang ng hiram na karangyaan ay tila nakalimot ka na," tumawa pa ito nang nakakainsulto. "Tandaan mo, kung wala ako, wala ka rito sa mundo!!"

I'm so sick of that line. I know that they are my family. Hindi ako kailanman nakalimot. She's my mother—the reason I can breathe, be alive, but not truly living.

Wala akong pagduda na siya ang ina ko, siguro noong una, pinagdudahan ko na baka hindi ko siya tunay na ina, pero habang tumatagal, naintindihan ko na hindi lahat ng nanay, pare-pareho ang trato sa anak, may isang minamalas at isa ako sa mga iyon.

Tinanggap ko ang sitwasyon ko at naging sunud-sunuran sa kanila, dahil wala naman akong magawa. Alam kong kahit saan ako pumunta, nakabantay pa rin sa akin si Mama. Hindi niya ako pakakawalan, hindi niya ako kahit kailan hahayaang huminga sa maamong hangin.

Hindi na ako nakatulog pagkatapos ng tawag na iyon, nagsimula na agad akong gumawa ng mga gawain at hinayaan ko muna si Jerace na gumala, dahil linggo naman, sinasama niya pa ako pero sadyang wala ako sa wisyo.

Kahit nang tumawag si Axel at yayain akong lumabas ay hindi ko pinaunlakan, marahas din ang pagtanggi ko sa kaniya kaya maiintindihan ko kung magtatampo siya. Kahit sa mga messages niya ay hindi ko sinagot, nakita ko pa na nariyan siya sa labas pero pinaalis ko na lang dahil hindi ko siya kayang labasin.

Axel:

May problema ba tayo, Chenny?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko buhat ko na naman ang buong mundo. Hindi ako malungkot, lalong hindi ako masaya.

Maaga akong ginising nila Ma'am Kate kinabukasan, nagtaka pa ako pero nang nakita ang ginawa nilang cake para sa unica hija, ay doon ko lang naalala na birthday na pala ni Jerace. Masayang-masaya si Ma'am Kate at ayaw ko iyong sirain dahil lamang sa nakakaramdam ako ng kabigatan sa sarili.

"Matutuwa lalo si Jerace kapag nakita ka sa kuwarto niya, Chenny. Kaya sumama ka na ah?" Bulong sa akin ni Ma'am Kate habang hinahaplos ang kamay ko. "Kakantahan natin siya ng happy birthday!"

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now