Kabanata 29

36 5 0
                                    

R18

Kabanata 29

Hinayaan ako ni Axel na manatili roon sa may dalampasigan, kahit na nararamdaman ko na gusto niya na akong yayain papunta sa sasakyan o kaya naman ay buhatin, hindi niya ginawa, hinayaan niya ako.

Nanatili siya sa tabi ko habang bumubuhos ang ulan.

I closed my eyes when I felt the raindrops dripping on my face. Patuloy itong tumatangis kasabay ko. Wala na akong mailuha pa pero ang puso ko ay patuloy sa pagsigaw.

Hanggang kailan kaya? Kailangan bang mawasak pa ako ng tuluyan bago makuntento si Mama?

Kasi kahit anong isip ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang labis na galit niya sa akin. Ano bang ginawa ni Papa? Ano ba ang nagawa ko? Nasaktan ko ba siya? Sobra ba ang idinulot noon para ganito ang balik sa akin?

"Nanginginig ka na, baby," mahinang boses ni Axel ang nagpatigil sa mga iniisip ko. "I booked a hotel room nearby, gusto mo bang magpahinga?"

Tulala ko siyang nilingon, wala akong lakas na magsalita ngunit nang nakita ang nasasaktan niyang mga mata ay doon ako natauhan.

"B-Baby," hindi ko na marinig ang boses ko sa tindi ng pagkamalat.

"Hmm?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Hinawi niya roon ang mga tubig ulan at inayos ang buhok ko.

"Tara na?"

Dahan-dahan akong tumango. Ngumiti siya sa akin at hindi man lang nagdalawang isip na sikupin ako at walang kahirap-hirap akong dinala. Kahit ang hampasin siya o kaya'y pagsabihan ay hindi ko na rin nagawa.

"Matulog ka na muna baby, gigisingin kita kapag naroon na tayo," bulong nito sa akin hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng malamig niyang mga labi sa noo ko.

Naalimpungatan na lamang ako nang inaayos niya na ang pagkakahiga ko sa malambot na kama. Napanguso agad ako nang nagtama ang paningin namin.

"Baby ko.." bumangon ako at agad humarap sa kaniya. "I'm sorry for ruining our day."

"Hep," umiling siya at umayos ng upo. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Hindi iyon nasira ah? Ang saya kaya pagmasdan ng dagat kanina habang umuulan!"

Malungkot akong napangiti. Natigilan siya at muli na namang hinalikan ang mga kamay ko.

"Baby, hindi mo iyon nasira. At isa pa, may oras pa tayo, it's only 6PM baby, mahaba pa ang oras natin."

"Talaga? Puwede pa?" Nilibot ko ang tingin sa kuwarto na nakuha niya. Malawak ang kama at warm sa mata ang buong silid.

"Ligo na ikaw baby? Baka magkasakit ka. Hindi kita mapaliguan kasi tulog na tulog ka."

Natawa ako at yumakap sa kaniya na mabilis niya namang sinuklian.  Nagtaka ako nang nahawakan ang basang long sleeve niya sa may likuran.

"Hindi ka pa rin naliligo?"

"Pagkatapos mo, baby."

Tumango ako at kumalas na sa yakap. "Okay, liligo na ako."

Ngumiti siya sa akin at kinuha ang bag ko. Natawa ako nang mapansing namula agad ang buong mukha niya nang buksan ko iyon at tumambad ang mga undies ko.

Saglit ko pa siyang pinagmasdan bago ako pumasok sa loob ng CR, sumakit na naman ang dibdib ko nang nakitang nakahanda na ang bathtub. Hinubad ko lahat ng saplot at hinayaan ang sariling magbabad roon. Kung hindi ko pa naalala na maliligo rin pala si Axel ay hindi pa ako aahon.

Lost Stars (On-Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora