Kabanata 17

35 5 0
                                    

Kabanata 17

Tanda ko pa ang sinabi sa akin ni Mama, na hinding-hindi ako matututong magmahal at hindi ko iyon mararanasan dahil hindi ko naman daw iyon kilala.

It's like a foreign feeling, an unfamiliar word that should be kept hidden from me. It's akin to a sensitive topic I shouldn't be involved in because I had no idea about it.

I felt like the outcast student in a room when the topic was all about love.

It's not that I didn't have the chance to learn about it; I had no choice. Every time they were showering love on my sister, I was nowhere to be found. Palaging nasa likod ng bahay, kung hindi nagwawalis, ay naglalaba ng sandamakmak na labahan nila, minsan ay nagluluto sa may kusina para sa kanilang panghapunan.

Dahil sabi ni Mama, hanggang doon lang ako, sa likuran. Hindi ko sila maaaring higitan o kahit pantayan. At habang lumalaki ako, unti-unti ko iyong naintindihan.

Na baka nga wala akong kakayahang magmahal.. dahil hindi ko naman iyon naranasan.

Ilang oras ako sa loob ng silid. Pinanood ko lang na sakupin ng dilim ang kalangitan. Hinayaan ko ang sariling malunod sa isipan.

Bakit nga ba panandalian kong nalimutan ang sitwasyong meron ako? Siguro, kinatok ako ng tadhana at ginising sa reyalidad..na ito nga pala ang buhay na meron ako.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa cellphone, muli kasi iyong tumunog at umilaw.

Nanghihina ko iyong kinuha saka tiningnan.

axldryr:

You're not here, nasaan ka?

Nangunot ang noo ko nang muling lumabas ang tatlong bilog, senyales na typing siya.

axldryr:

Umuwi ka pala sa inyo? Naysu!

Nangunot ang noo ko at hindi na siya nireplyan saka pinatay ang cellphone. Ano na namang kailangan nito?

Aminado akong may kung anong sayang hatid ang chat niya sa akin kanina, sumakto pa sa pait na nararamdaman ko.. pero hindi ko na kayang magpadala sa mga ulap.

Bumuntong hininga ako at nagsimula na ulit sa paglilinis. Nagkalat na naman kasi ang mga gamit ko, nasagi yata namin kanina. Saka nandito pa rin ang ibang kalat na hindi ko pa naiilabas. Muli kong tiningnan ang mga dumi sa sahig, dala yata ng tsinelas ni Mama. Winalis ko iyon at tinapon sa maliit kong basurahan.

I got startled when my phone rang. Gulat ko iyong kinuha at sinagot.

Bakit ito natawag?

"Uh, hello?" It's Axel. Malakas ang sounds sa kabilang linya pero dinig ko naman siya. "Chenny? Sorry, did I disturb you?"

"Hello?" Malat ang boses ko kaya ilang beses pa akong tumikhim. "B-Bakit?"

Binaba ko ang walis at dust pan.

"Ayos ka lang? Bakit ganiyan ang boses mo?" Dinig kong may kinausap ito at ilang sandali pa ay natahimik na. "Nasaan ka?"

"Nasa bahay, bakit ka tumawag?" Lumapit ako sa may bintana at dahan-dahang binuksan iyon.

Dalawang tabla kasi iyon na hihilahin sa gilid ang isa para magbukas kaya nahirapan pa ako dahil medyo matigas na rin ang mga iyon.

"Uh, pumunta kasi ako kina Jerace," he cleared his throat. "Y-Yayayain sana kita rito sa bahay.."

Sa bahay pala nila iyong story niya sa instagram.

"Anong meron? Birthday mo?" Panunuya ko at tiningnan ang labas ng bahay.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now