Kabanata 23

37 5 0
                                    

Kabanata 23

I watched her as she excitedly made her way out of the crowd; she's wearing a purple off-shoulder glittery dress. Hanggang tuhod niya iyon, nakaayos din ang kaniyang mukha ayon sa tamang make-up, na lalong naging dahilan para tumingkad ang kaniyang kulay.

Panay ang ngiti ko dahil ramdam ko kung gaano siya kasaya ngayong gabi. Kahit na nakaayos din para sa kaniyang party ay hindi ko naman magawang mag enjoy ay hayaan na lamang sina Ate Berna sa mga pag-aayos ng pagkain, kaya hindi rin ako makaupo kina Jerace dahil palagi akong abala sa loob.

"Chen!" Hinampas ni Ate Berna ang kamay ko nang akma akong kukuha ng mga bagong putahe. "Doon ka na sa labas! Nakabihis ka pa naman tapos tutulong ka rito?"

"Ate Berna naman, katulong naman talaga ako," ngumuso ako at tumabi na lamang nang lisikan niya ako ng mga mata.

"Kaibigan ka ni Jerace at hindi ka katulong ngayong gabi kaya hayaan mo na kami rito. Mag-enjoy ka roon, Chen. Ang dami-daming bisita tapos nakikita kang nagbubuhat ng kung anu-ano diyan!" Umiling ito sa akin.

"Pero..hindi pa kayo nakain," mahina ang boses na sinabi ko at tinukod ang kamay sa counter top ng kusina. "Kumain muna kayo, Ate Berna..ako na munang bahala rito."

"Ano ka ba! Mamaya ako kakain, kapag maluwag na ang lahat. Ngayon ay masyado pang abala sa labas kaya hindi rin ako makakampante," aniya habang pabalik-balik ang lakad.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya, hindi ko matanggap na nakakaranas ako ng kakaibang pagtrato dahil lamang kaibigan ko si Jerace. Although mabait din naman ang mga Walkins sa lahat ng kanilang mga kasambahay, sadyang kakaiba lang ang trato sa akin dahil na rin kay Jerace.

Hindi na ako hinayaan ni Ate Berna na magtagal pa roon sa kusina kaya naman halos kaladkarin niya na ako palabas ng bakuran nila Jerace, kaya wala akong nagawa kundi tabihan na lamang ang babae at alalayan.

Hindi naman talaga sobrang abala, kaunti lang din naman ang inimbita pero siguro ayaw lamang ni Ate Berna'ng magkamali kaya ayaw nitong iwanan muna ang trabaho at kumain kahit kaunti.

I sighed when I glanced at Jerace, she was still uneasy. Hindi ito mapakali sa kaniyang upuan at maya-maya ang tingin sa kaniyang cellphone. Kahit na kinausap ko na ito kanina na baka may nangyari lang kay Drain at mamaya rin ay parating na iyon..hindi pa rin siya napanatag.

Dumating na rin ang mga magulang ni Drain at hinayaan ko muna siyang makipag-usap at puntahan ang mga panauhin. Muli akong pasimpleng tumulong sa mga kasamahan ko. Nakikita ko pa si Myla na panay ang irap sa akin pero hindi ko na lamang pinansin.

Lumipas ang ilang sandali, hinanap ko si Jerace at nagtaka na wala ito sa table namin kanina. Napatingin ako sa pamilyar na bulto sa hindi kalayuan na nakikipagtawanan sa mga ibang bisita.

Hindi ako sumama nang salubungin sila, nila Jerace kanina, bukod sa nahihiya ako sa inasal ko sa kaniya..ay nakita ko pang may kasama siyang iba.

Nangunot ang noo ko nang tumawa si Axel habang nakikipagbiruan sa mga matatanda sa isang may kahabang lamesa. Nanliit ang mga mata ko nang mapatingin sa katabi niyang babae.

Natigilan ako.

Anong ginagawa niya rito? At bakit kasama niya si Alexa? Akala ko pa naman..ibang babae ang kasama niya.

Nang akmang paharap sila sa akin ay mabilis akong tumalikod at halos maubusan ng hininga sa sobrang gulat. Nagkunyari akong abala sa pag-aayos ng mga table napkin sa gilid kahit nakaayos na naman talaga iyon!

Nagtagal pa ako ng ilang minuto roon sa gilid bago ko sinubukang lumingon kung nasaan sila kanina at napapikit na lamang nang makitang abala na ulit ang dalawa, nakaupo na sila ngayon sa table ng mga matatanda.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now