Kabanata 33

37 5 0
                                    

Kabanata 33

I explained to Mr. Haile that the house that he's interested in is not for sale. He was confused on what I've said because, as per him, someone was selling our house on social media in the market.

"Po? Sino pong nagbebenta?" Naitapik ko ang kamay sa mga braso.

"I don't know if it's her real name but it was Sammie."

Sammie? Sino naman iyon?

"I think Ms. Dimaano, we should talk about this in person," he sighed. "I'm sorry for creating a confusion right now."

Tumango-tango ako at tiningnan si Calli na mahimbing pa rin ang tulog.

"Saan po ba tayo mag-uusap?"

Sinabi niya sa aking kung saan at nagulat pa ako na sa Makati iyon! Muntik ko nang sabihin sa kaniya na puntahan niya ako rito sa may Bataan at siya ang kumausap sa akin pero syempre ang sama ko namang tao kapag ginanon ko.

Sinabi ko iyon kay Ate George, gulat na gulat naman siya nang nalaman na renovated na ang bahay namin at may kinuha pang katiwala na kakilala ko.

"Pero sino naman ang nagbebenta noon?" Sinimsiman niya ang kape niya. "Ano ngang pangalan daw noong nagp-post sa Facebook?"

"Sammie raw." Kinuha ko ang baso at nagsalin ng tubig galing sa pitcher.

Natigilan si Ate George. Gulat ko siyang nilingon nang nailuwa pa nito ang kape!

"H-Hindi kaya..si Samuel 'yan?"

Kumalabog ang dibdib ko. Nagkatinginan kami ni Ate George at kitang-kita ko ang galit at takot na namuo sa kaniya.

Pinagplanuhan na agad namin ni Ate George ang pagpunta ko sa Manila. Aniya'y kailangan ko raw iyon gawin at makausap iyong si Mr. Haile para malaman kung sino ang nagbebenta ng bahay at para na rin alamin kay Ate Berna kung sino naman ang nagpagawa noon, iyon naman talaga ang gagawin ko, talagang nag-iisip lang ako kung saan ako tutuloy.

Balak ko ring bisitahin si Ate Berna.

"May condo si Arman malapit doon. Sasabihin ko kung puwede ka muna roon, mabait naman ang kumag na 'yon, kaunting haplos ko lang doon eh!"

Umirap ako nang humalakhak siya. "Bukas agad ako luluwas ng madaling araw, Ate."

Napamaang siya. "Grabe ang bilis naman! Nagpaalam ka na ba kay Calli? Eh 'yong trabaho mo sa munisipyo?"

"Madali na lang 'yon, mags-submit na lang ako ng letter via email."

Tumango siya sa akin at muling binalikan ang niluluto niya. Ilang sandali kaming tahimik. Tumayo na ako at akmang tatalikod para mag-ayos ng mga gamit nang nagsalita siya.

"Chenniah, maaari ko na bang malaman kung sinong ama ni Calli?"

Napakurap-kurap ako. Mabilis ko siyang nilingon. Nanatili siyang nagp-prito ng isda at hindi nakatingin sa akin.

"Ate.."

"Halos anim na taon na tayo, wala ka pa ring sinasabi." She glanced at me. "Sino ang ama ni Calli?"

"K-Kaibigan ng anak ng amo ko roon sa Manila, Ate." Magaan na sinabi ko na parang wala na iyon sa akin.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Ngumuso sa akin si Ate George.

"Anong pangalan?"

"Bakit naman inaalam mo pa?"

"Gusto ko lang isearch at husgahan ang mukha niyang gago na 'yan!"

"Ate!" tinakpan ko ang bibig niya at baka bigla na lamang sumulpot si Calli sa pintuan ng kusina.

Nilingon ko ang pintuan at nagtaka pa ako nang may nanonood na sa may sala! Gising na si Calli?

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now