Kabanata 10

44 5 0
                                    

Kabanata 10

Pabalik-balik ang mga mata ni Ma'am Kate sa akin at sa lalaking katabi ko. Yumuko ako dahil nakakailang na ang tingin na iginagawad sa aming dalawa.

"Tita Kate–"

"Are you hitting on my dear Chenny?"

Napaubo si Axel. Nginiwian ko ang lalaki at inabutan din naman ng tubig.

"Thanks," ngumiti siya sa akin at uminom agad roon.

"Hmm? Did I hit a nerve?" Ma'am Kate giggled like a kid. "Palagi mo na kasing pinagpapaalam itong Chenny namin. Anong mayroon, Axel? Dapat na ba akong kiligin?"

Napapikit ako sa tindi ng hiyang nararamdaman. Iritado kong tiningnan si Axel na tila natulos na sa kaniyang inuupuan.

Dahil nga may usapan kami ni Axel na susunduin niya ako rito pagkatapos ng klase niya kaya narito siya ngayon. Katatapos ko lang magbihis nang bigla akong pinatawag ni Ma'am Kate at ito na nga ang naabutan ko.

Para niyang sinasabon si Axel sa mga tanong niya.

"M-Ma'am Kate..hehe," alanganin akong ngumiti. "Kinuha po kasi ako ni Axel sa..ano project po niya sa school."

"Yeah! Oh yes, Tita Kate!" Tumango-tango ang mokong sa akin na parang nagpapasalamat sa sinabi ko.

Napaisip ang ginang. "Ganoon ba? Anong klaseng project ba 'yan?"

Nilingon ko ang lalaki at sinenyasan na siya naman ang sumagot tutal siya naman ang may kailangan sa aming dalawa.

"Sa research paper ko, Tita Kate." Ngumuso pa ito. "I need 20 respondents kasi eh. Buti na nga lang, pumayag si Chenny kaya..19 na lang ang kailangan kong hanapin."

Tumango-tango rin ako. Napatingin kami kay Ma'am Kate nang makitang nag-isip ito.

"Hmm kung ganoon, baka puwede kami rito!" She smiled widely. "Kulang pa diba? Kami rin, Axel. Kunin mo diyan sa research paper."

"Huh?" Nalaglag ang panga ni Axel. Umiwas naman ako ng tingin.

"Ah, Ma'am Kate.. kailangan kasi eh mga undergraduate," hinawakan ko ang kamay dahil nanginginig iyon.

Natahimik ang ginang at malamlam na tumingin sa akin. Nangunot ang noo ko. Kamukha niya talaga si Jerace.

Lalo pa akong nagtaka na parang naluluha pa si Ma'am Kate.

"Aww my dear..." Inabot nito ang kamay ko na agad ko namang ibinigay. "Please remember that we are so proud of you even tho you didn't continue your studies, okay?"

Eh?

May narinig akong nagpigil ng tawa at alam ko na agad kung sino iyon. Mabilis na tumalikod si Axel at nagkunyaring inuubo.

Ngumiti ako kay Ma'am Kate na talaga namang alalang-alala sa akin.

"Ayos lang po ako, Ma'am–"

"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na Tita na lang din ang itawag mo sa akin?" Umirap ito. "Pero ayaw mo ba talagang tanggapin ang offer ko sa'yo?"

Muli akong ngumiti at umiling sa kaniya.

"Ayos lang po ako, Ma'am–" naubo ako kunyari dahil biglang sumama ang tingin niya sa akin. "I mean T-Tita Kate..ayos lang po ako."

Ngumiti ito at bumuntong hininga. Tiningnan pa niya kaming dalawa ni Axel bago tumango.

"Oh sha, sige na. Basta ibabalik mo ng maayos itong aming baby Chenny, okay?"

Tumango ang lalaki. "Of course, Tita! Akong bahala sa ating baby Chenny!"

Dinig ko ang pang-aasar na nakalakip sa salitang iyon. Mamaya ka sa akin.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now