Kabanata 30

45 6 0
                                    

Kabanata 30

Wala ako sa sarili hanggang sa natapos si Ate Berna sa pag-aayos ng mga gamit ko, ni hindi na kami nakapagpaalam sa mga Walkins, hila-hila na agad ako ng ginang palabas ng bahay nila. At kahit na nakasakay na kami sa bus ay tila hindi pa rin pumapasok sa utak ko na nasa kulungan si Papa.

Anong nangyari? Anong ginawa niya bakit siya nakulong? H-Hindi masamang tao si Papa, hindi niya iyon magagawa. Baka napagbintangan lang siya.. hindi niya kayang gumawa ng masama sa iba.

Kinuha sa akin ni Ate Berna ang cellphone ko kanina at lihim pa itong nagpasalamat na nanatiling nakapatay iyon. Aniya'y kaya raw pala hindi ako nacontact ni Ate George dahil nakapatay ang cellphone ko magdamag.

"A-Ano po bang nangyari?" Doon ko lamang nahanap ang boses ko, ni hindi ko pa iyon makilala.

Pagod kong tiningnan si Ate Berna na halata ang pagkabalisa habang nakatingin sa labas ng bintana.

Bumuntong hininga ito tsaka lumingon sa akin.

"Hindi ko alam ang tunay na nangyari, Chen..pero tiyak akong nasa panganib kayo at lalo ka na. Makapangyarihan daw ang napatay ng papa mo–"

Mabilis kong nilingon si Ate Berna na tila nagulat pa sa ginawa ko.

I think, I heard something horrifying. It was like she said something that made my stomach churn.

"A-Ano po?" Ulit ko.

Baka naman kasi nabingi lang ako. Baka hindi ko narinig ng ayos dahil maingay itong nasakyan naming bus.

Her eyes weakened. "N-Nakapatay raw ang papa mo, Chen."

"P-Po? T-Teka, sino? S-Si papa?" Halos magmakaawa ako sa harap ni Ate Berna, na halata ang simpatya sa mga mata.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi iyon totoo. Tiyak akong napagbintangan lang talaga siya! Hindi niya iyon magagawa!

Umiling ito sa akin at niyakap lamang ako.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, natagpuan ko na lamang ang sarili na nasa likuran ni Ate Berna habang binubuksan niya ang maliit na bahay na bato sa may dulo ng maliit na eskinita.

"Narito tayo sa bahay ng pamangkin ko, hindi na nila ito tinutuluyan kaya puwede ka muna rito habang may inaasikaso pa si Georgia. Kapag ayos na ang lahat ay puwede na kayong lumuwas sa Bicol, doon muna kayo pansamantala, may bahay ako roon at puwede kayong dalawa roon," mahina ang boses na aniya habang pinapasok ang mga gamit ko sa loob ng madilim na sala.

Namumungay na lumingon sa akin si Ate Berna nang nanatili ako sa labas ng pinto.

"C-Chen," binagsak niya ang mga gamit ko at lumapit sa akin. "Kailangan mo munang sundin ang sinabi ni Georgia, siya lang ang may alam ng lahat."

I nodded and smiled weakly.

"S-Sino pong kasama ko rito?"

"H-Hindi kita maaaring samahan, aalis din ako mamaya kapag nakapaglinis na ako rito, baka magtaka sila Kate na bigla tayong nawala, at gusto ko rin na masubaybayan ang kaso ng papa mo."

I looked away. I don't want to hear anything related to his case.

Nakakaintindi na lamang kong tumango. Hindi naman kailangan na samahan pa ako ni Ate Berna rito, sobra-sobra na ang naging tulong niya sa akin ngayong araw.

"H-Hintayin mo rito ang ate mo, Chen. Tatawag ako sa'yo rito kapag tumawag sa akin si Georgia," dahan-dahan niya akong hinila papasok.

Natigilan nga lang ako nang may naalala.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now