Kabanata 8

44 6 0
                                    

Kabanata 8

Isang linggo.

Isang linggo na ang lumipas ngunit sa tuwing naalala ko ang itinanong ko sa kaniya noong gabing iyon ay tila parang bagong-bago pa rin!

Nakakainis, bakit ko ba naman kasi biglang itinanong?

Saka..hindi ako ganito eh. Ang alam ko, matalino ako. Kaya nga, nanghihinayang sa akin sina Jen at Cha dahil hindi na ako nakasabay sa kanila sa pag-aaral.

Pero, bakit iba na ako mag-isip ngayon? Halos isang taon pa lang naman ako rito sa Maynila ah!

Muli kong inalala ang naging sagot ni Axel sa tanong ko.

"Crush mo ba ako?"

Umihip ang malamig na hangin, bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Bahagya pa siyang napaatras sa akin.

"A-Ah..ang ibig kong sabihin–"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla na lamang siyang bumulanghit ng tawa.

Nangunot ang noo ko. Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha ko. Hindi lang pisngi!

"W-Wait!" Tawang-tawa ang lalaki sa harapan ko. Umayos siya ng tayo at pumameywang pa sa akin.

"What was your question again?" may ngiting nakakaasar na nakaplaster sa mukha niya.

Bumuga ako ng hangin, iyong tipong dama niya ang bigat noon.

"W-Wala.." umiwas ako ng tingin. "N-Nabigla lang ako."

"Hindi iyan ang sinabi mo," nangingiti pa rin ang mokong. "Tinatanong mo kung may crush ako sa'yo?"

Kumibot-kibot ang mga labi ko, hindi ko mahagap ang tamang letra sa mga oras na ito!

"Chenny? Tama ba? Iyon ang narinig ko kanina," tumingin pa siya sa itaas na parang nag-iisip. Hinangin ang buhok niya kaya medyo humarang ang bangs niya sa may noo.

Taray, may bangs. Siguro nabored rin siya. Ewan kung anong klaseng gupit iyan, parang may bangs pero maangas naman tingnan.

"Oh..nagtanong lang naman ako..saka..joke 'yon!" Kinapa ko ang braso at nagkunyaring may lamok doon.

"Hmm," pinagmasdan niya ako. Tinitigan niya pa ang kabuoan ko bago ngumiti. "Nautuwa lang akong kasama ka."

Eh?

"O-Okay," umatras na ako at tumalikod sa kaniya. "H-Hintayin ko na lang sila Jerace sa labas."

"Madilim diyan, dito na natin sila hintayin," dinig ko ang pagsunod niya sa akin.

Umirap ako. "Huwag mo na akong sundan!"

"Oh? Okay!"

Kung hindi niya pala ako crush at natutuwa lang siyang kasama ako, huwag na lang. Hindi ko naman kailangan iyon. Nakakahiya talaga. Bakit ko ba kasi naisipan na itanong iyon?

Siguro, dahil gusto ko nga siya kahit hindi halata..kahit nakakainis..kahit nakakapikon siya magsalita.

Saka diba, Chenny? Gusto mo na naman siya noon pa. Noong nakita mo siya sa bahay nila at mas lalo mo pa siyang ginusto noong nakukuwento na sa'yo ng magaling mong alaga ang tungkol sa kaniya.

Mas bumilis ang mga lakad ko. Hindi ko namalayang nakalabas na pala ako ng gate. Nilingon ko ang likuran at nagulat ako nang wala na siya sa likuran ko.

Akala ko hinahabol niya ako?

Nabatukan ko ang sarili. Ang kapal-kapal ko talaga! Kakaiba na itong mga naiisip ko.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now