Kabanata 13

30 4 0
                                    

Kabanata 13

Napuno na ng kwentuhan at tawanan ang table kung nasaan kami ni Axel. Dumating na kasi ulit si Maricar na kasama ang ilan pa niyang kaibigan. Hindi ko naman sila kilala dahil hindi naman ang mga iyon nagpakilala sa akin.

Pakiramdam ko nga ay ayaw nila na narito ako pero wala namang magawa dahil sa kaibigan nila si Axel.

Pero ayos lang basta mabait si Maricar sa akin. Pabalik-balik kasi siya sa table namin at nagdadala ng pagkain sa akin na tinatanggap ko naman.

Hindi ko na rin alam kung anong oras na kaming narito. Dumami na rin kasi ang bisita ni Maricar at kitang-kita na rin ang pagbalot ng dilim sa kalangitan, hudyat na gabi na.

Kumusta kaya si Kuya Kid sa labas?

Nanatili lang naman akong nakaupo at paminsan-minsan ay kumakain.

Tiningnan ko ang mga tao sa table namin. Hindi naman masyadong mahaba ang lamesa na ito, siguro para siyang normal na lamesa na pinagdugsong lang para maging dalawa. Ganoon ang itsura noon para sa akin.

Tiningnan ko si Marcus na katabi iyong babaeng mataray sa amin kanina, 'yong mga nagtanong ng kung anu-ano. Si Mariafe pala iyon. Katabi ni Marcus sa kabilang gilid si Rhea na mataray din sa akin kanina, katabi naman si Alexa. May tatlong lalaki pa sa gilid nila na hindi ko na nakuha ang pangalan.

They were all busy chit-chatting to each other. Umalis na rin ang ibang kaibigan ni Maricar na sa tingin ko ay ibang circle of friends niya kaya hindi na rin nagtagal sa table namin.

Tahimik lang naman akong ngumunguya at paunti-unting inuubos ang chocolate cake sa may platito ko. Nakakahiya naman kasi kung hihingi agad ako.

I glanced at Axel; he kept himself busy the whole time by talking to the other guests. Nakatayo na naman kasi ito nang may bumati sa kaniya. Nagpaalam naman ito sa akin na sasamahan lang iyong isang lalaki na nang-aasar ang tingin sa amin. Pumayag naman ako kasi ang kapal ko naman kung hindi.

He suddenly looked at me. Panay ang kuwento ng lalaki sa kaniya pero sa akin siya nakatingin. Tumaas ang kilay nito sa akin.

"Bakit?" I mouthed.

Umiling ito at muling nakipag-usap sa kaharap.

Napangiwi ako. Siya yata itong may birthday eh, hindi si Maricar. Tiyak akong magiging kandidato ito in the near future!

May tumikhim sa gilid ko. Gulat ko pa iyong tiningnan dahil parang may laman pa ang lalamunan niya nang gawin iyon.

"Ay, sorry," nahihiyang ani ng lalaking katabi ko na pala. Nasa gilid lang 'to kanina ah?

Ngumiti lang ako. Akma na sana akong kakain ulit nang nagsalita ulit siya.

"I'm Zane. Kaibigan din ni Ax." Pakilala nito kaya nilingon ko.

"Uh, hello. I'm Chenniah." I smiled at him.

Siya iyong kasama ng tatlong lalaki na mang-asar kay Axel kanina. Pero siya iyong mukhang tahimik sa may gilid na nakatinginan ko.

"Medyo bored ka na ba?" Mahinang tanong nito na parang ayaw pang iparinig. "Busy kasi iyong boyfriend mo, maraming kakilala e."

"Ah, oo." Sagot ko na lang.

"You're not comfortable being with us, right?"

Dahan-dahan ko siyang tinapunan ng tingin. "Ano?"

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Sorry sa mga asal nila kanina."

Ah. Ang tinutukoy niya ay ang walang katapusang pagpapasaring ni Mariafe at ni Rhea kanina. Hindi ko naman iyon pinansin pa dahil hindi naman sila magbibigay sa akin ng pera. Si Axel naman, kaya wala akong pake sa kanila.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now