Kabanata 6

85 6 2
                                    

Kabanata 6

"A-Ah..ganoon ba..sir?" Kumibot-kibot ang mga kilay ng matanda habang pasimpleng nasilip sa akin.

Buwisit 'to si Axel! Ang feeling niya naman! Napindot ko lang naman 'yon!

Nakagat ko na lamang ang dila nang makitang ngiting-ngiting si Axel sa harapan namin ni Ate Berna.

"Opo, Aling Berna." Tumawa pa ito. "Saka nagkausap na rin kami niyan...4 months ago if I'm not mistaken."

"Hoy! Saan naman?! Ang kapal--"

Natigilan ako nang makita ang talim ng tingin sa akin ng matandang katabi ko.

"Ano 'yon, Chenny?" Nakangising balik sa akin ng kurimaw.

Pabirong tumawa si Ate Berna. "Wala 'yon, Sir! Hindi ikaw ang sinasabihan nitong Chenny namin..hehe."

"Pero diba ikaw 'yong kasama nila baby girl sa bahay? Ikaw 'yong nakatingin sa family portrait namin." Biglang seryosong aniya sabay ngiti.

Ngumuso ako. Ibig sabihin, natatandaan niya ako? Edi..kilala niya na ako noong nakita ko sila ng girlfriend niya sa may mall?

Kumusta na kaya sila noon? At bakit ako ang kinukulit ng lalaking 'to!

"Alam mo sir, umuwi ka na po. Kanina ka pang hinihintay ni kuya Kid saka baka gabihin kayo." Mahinahong sinabi ko.

Tumaas na naman ang kilay niya, ngumunguso pa siya sa akin habang nakatingin.

"Ang bait mo naman, Chenny." Labas sa ilong na sinabi ng lalaki.

Tumawa si Ate Berna. "Opo naman, sir Axel! Ito ang pinakamabait sa amin!"

"Ah talaga po ba?" Halatang nang-aasar ito. "Sige po, una na po ako."

Ngumiti lamang ang katabi ko at bahagya pa siyang iginiya sa kotse. Ngumiwi ako nang lumingon pa sa akin si Axel. Madrama pa siyang kumaway saka kumindat at pumasok na sa loob.

"Ang bait ni sir Axel ano?" Biglang sambit ng katabi ko nang makaalis na ang sasakyan nila.

Ngumiti ako at tumango. "Opo, ate."

"Pero.. totoo ba na ano ba 'yon? Nagfollow ka raw sa kaniya?"

Chismosa rin pala itong ate berna. Hmp, hindi ko na siya tatawaging ate, aling berna na lang din!

"H-Hindi po ah. Napindot ko lang 'yon."

Ngumiti ito sa akin. "Ayos lang magkagusto sa isang katulad niya, Chenny. Huwag mo masyadong itago iyan, mas nahahalata."

Kinuha na nito ang hawak kong mga bag saka siya naglakad papasok ng gate. Sumalubong agad sa kaniya ang iba pa naming kasamahan.

Ngumuso ako sa sinabi ni ate berna. Wala naman akong gusto kay Axel. Crush lang, at hindi gusto. Magkaiba naman iyon.

Muli pa akong tumingin sa labas saka nagpasyang pumasok na. Ang dami agad nangyari nang makapasok ako, nagulat pa ako sa mga ikinuwento sa akin ni Jerace about sa ginawa niyang kagagahan. Napapasintido na lamang ako sa tuwing iniimagine kung paano niya iyon nagawa. Marami pang nangyari sa sumunod na mga araw hanggang sa iba na ang naikuwento sa akin ng alaga ko.

Mukhang masaya naman siya.

"Kasama ka nga, Chenny."

Ito ang bungad sa akin ni Jerace, sabado ng umaga.

Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pag-aayos ng kuwarto niya. Kanina pa ito sa mga sinasabi sa akin. Birthday raw ngayon ng Daddy ni Axel. Iyon si Sir Darren, mamaya pa naman gaganapin ang party kaya hindi pa rin sila naalis. Hindi ko rin alam dito kay Jerace kung bakit pa ako kasama.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now