Kabanata 16

38 4 0
                                    

Trigger warning: This chapter might contains upsetting events that may be harmful or traumatizing to certain people. Read at your own risk.

Kabanata 16

Bumuntong hininga ako nang makababa ng jeep. Ito na ang huling sakay para makapunta sa bahay. Hindi na ako papara ng tricycle dahil bukod sa mahal iyon, ay mas gusto ko ring lakarin ang daan palooban.

Nagpaalam na ako kay Ate Berna noong isang araw pa kaya hindi na siya nagulat na maaga akong umalis kanina. Nagsabi rin ako kay Ma'am Kate kahit na sinabi nito na hindi ko na raw kailangan pang magpaalam sa kaniya sa tuwing day off ko. Nagsabi rin ako kay Jerace na wala namang tutol dahil may iba na ring pinagkakaabalahan.

Akala ko pa nga sasama siya pero may date pala sila.

Sukbit ko ang bagpack sa may likuran at hawak ko naman ang isang malaking eco bag na naglalaman ng mga pinamili ko sa palengke kanina. Hindi ako sa mall namili dahil iiba pa ako ng ruta kapag dumaan pa roon kaya naman sa may palengke na lang kahit sobrang daming tao.

"Tricycle, miss? Saan ang tungo mo?" Bungad ng lalaking may salamin sa may ulo, nakangiti ito sa akin. "Tricycle ka na?"

Umiling ako. "Hindi po."

"Mukhang marami iyang dala mo ah? Tricycle ka na! Mahihirapan ka diyan," aniya at akma na agad kukunin sa akin ang hawak.

"Magkano po ba?"

"Kung mag-isa ka ay 60 laang naman," ngumiti ito, halata sa mga ngipin na mahilig manigarilyo.

Napaisip ako at tiningnan ang daan papasok. Sabagay, medyo mainit pa rin kasi kahit lagpas tanghali na.

Bumalik ang mga mata ko kay Manong at tumango na rito. Malawak ang ngiti nito nang alalayan ako papasok ng tricycle.

Hindi naman nagtagal ay pumara na rin ako sa kawayan naming gate. Nagtaka ako nang makitang walang katao-tao sa may labas, samantalang puno palagi iyon ng mga nagbibinggo.

"Salamat ho," nag-abot ako ng isang daang piso at hindi na kinuha ang sukli. Tuloy ay masayang-masaya si Manong nang umalis.

Lumapit ako sa gate na kawayan at nilawit ang kamay doon para tanggalin ang pangkawit na kawad. Mabilis ko iyong natanggal at tinulak para makapasok. Buti na lang hindi maulan ngayon, dahil kung maulan, ay tiyak na sobrang putik nitong daanan at harapan namin.

Takang-taka kong nilibot ang harapan ng bahay nang mapansing punong-puno iyon ng mga kalat at wala sa ayos ang ibang mga paso sa gilid.

Umakyat ako sa hagdanan namin na halata na ang pagiging mahuna. Nangunot ang noo ko nang makitang bukas ang pinto pero walang tao.

Pinasok ko ang sapatos at nilapag ang mga bitbit sa kahoy na upuan. Nilibot ko ang paningin at sobrang kalat ng loob. May narinig akong kaluskos.

"Ma? Ate George?" Tawag ko pero wala man lang sumagot.

Muli kong narinig ang tunog sa gilid, kung saan ang silid ni Ate George. Nilapitan ko iyon at akmang bubuksan nang luminaw ang tunog sa loob.

"Aah! Bilisan mo...humihina ka ba?" Boses ni Ate George.

"Ang bilis-bilis ko na nga eh!" Halakhak ng pamilyar na lalaki.

Mariin kong pinikit ang mga mata at umatras palayo roon. Nangilabot ako nang marinig ko ang langitngit ng katre nila.

Kinuha ko ang bag at tumungo sa kuwarto kong nasa may dulo pa, malapit na sa kusina. Sinigurado kong nakakandado iyon bago ako umupo sa kama at halos mapaubo ako nang yakapin ako ng gabok!

Hindi ba man lang ito nilinisan?

Napatigil ako at napaismid. Sabagay never naman nila itong lilinisan.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now