Kabanata 7

42 5 0
                                    

Happy new year! <33

sori po sa late update ಥ_ಥ

Kabanata 7

"Hoy, anong sinasabi mo?!" halos isugod ko na ang mukha ko sa kaniya sa biglang inis na naramdaman.

Ewan ko ba, nahihiya ako na nalaman niyang humihingi ako ng plastik, pero pakiramdam ko mas nakakahiya 'yong sinabi niya sa babae.

Parang ininsulto niya ako kahit hindi ko naintindihan.

Nawiwili niya naman akong tiningnan. "Sharonian. Hindi mo ba alam 'yon?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" umikot ang mga mata ko.

"Hala! Ang taray." ngumisi siya at tiningnan ang plato ko. "Sabi mo diba, gusto mo ng plastik, ilalagay mo 'yan? Edi sharonian ka nga!" tinuro niya pa talaga ang mukha ko.

"Ano ba!" Inis kong tinabig ang kamay niya.

Tumawa lamang ito at humarap na sa babaeng mataray sa akin kanina.

Bakas ang takot doon siguro dahil kaharap niya na si Axel.

"Uh miss, bigyan mo na nga akong plastik diyan. Ikaw naman kasi, bakit hindi mo agad binigyan kanina." Akmang kikilos na iyon nang muli siyang nagsalita.

"Ah teka, 'yong pinakamaganda ha, para sa magandang dilag sa tabi ko," tumingin siya sa akin sabay kindat.

Muntik na akong matumba sa gulat at nakakainis dahil nakatingin ako sa kaniya nang gawin niya iyon! Hindi ako nakailag, buwisit.

"A-Ah, yes sir! Sorry po!" Aligaga itong naghanap ng plastik na pinakamaganda, at hindi ko rin alam kung saan siya maghahanap.

"Pst!"

"Ano?!" Umirap ako.

Humalakhak si Axel. "Ang sungit!"

"Hindi kasi ako para sitsitan. May pangalan ako."

Teka, nasaan na ba kasi si Jerace?! Ang babaeng iyon talaga, kung saan na naman sumuot!

"Edi sorry." tumikhim ito. "Chenny."

Bumuntong hininga ako. Ganito ba talaga ito kakulit?

Napansin kong dumarami na ang bisita nila, may iba na ring napapatingin sa banda namin, mostly mga kababaihan ang natingin. Nagtaka ako nang may isang babae ang parang kinilig.

Pasimple kong sinilip si Axel at napangiwi ako nang makitang kinikindatan niya ang mga babaeng papasok. Siraulo talaga! Ang harot.

Ngumuso ako at naglakad palayo sa kaniya. Baka mahawaan pa ako ng kaharutan niya, saka bakit hindi na lang siya lumapit sa mga iyon? At bakit ako ang nilalapitan niya?

Saka nasaan na ba ang girlfriend nito? Hindi kaya, break na sila? Kaya kung kani-kanino na lang siya kumikindat?

Eh kinindatan niya rin ako! Ano iyon? Hays, tama nga si Jerace, matinik talaga itong si Axel.

"Hoy!" boses sa may likuran ko. "Chenny! Where are you going?"

Nilingon ko siya at tumigil na rin sa paglalakad. Hindi ko namalayang ang bilis ko pala maglakad.

"Bakit ka ba nasunod?"

Tiningnan niya ang likuran ko at takang ikiniling ang ulo.

"Saan mo ba kasi dadalhin ang plato namin? Kung gusto mo talagang ibalot 'yan, hintayin naman natin 'yong plastik!" hinihingal na aniya.

Nalaglag ang panga ko. Gulat kong tiningnan ang kamay ko at hindi ko namalayang hawak ko pa pala ang plato na puno ng iba't-ibang tinapay.

"Chenny naman eh, bibigyan naman kita. Kahit ilang balot ng plastik pa 'yan. Basta huwag iyang plato ang iuwi mo, lagot ka kay mama niyan." nakangising aniya na parang pinipigilan ang pagtawa.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now