Kabanata 35

74 7 1
                                    

Trigger warning: This chapter might contains strong language that may be harmful or traumatizing to certain people.

Kabanata 35

Namungay ang mga mata ni Axel. Mabilis niya akong hinawakan para maingat na itulak papasok at agad siyang pumasok.

Hindi na ako nakaapila pa nang tingnan niya ang itinuro ko at puntahan iyon. Sinarado ko naman ang pinto at sumunod sa kaniya.

Pumasok siya sa loob ng bathroom at tiningnan ang sitwasyon doon. Kung saan-saan na tumatama ang tubig kaya hindi pa man siya nagtatagal doon ay basa na rin ang polo dress shirt niya!

"H-Huwag ka nang lumapit, baka mabasa ka," kinagat ko ang dila nang lumingon siya sa akin.

Seryoso ang mga mata nito ngunit hindi nakalagpas sa akin ang inis na nakaplaster doon.

Napanguso ako.

"Kanina pa ba 'to?" Malalim ang boses na aniya at hinawakan pa iyon!

Tuloy ay nabasa na rin ang suot niyang relo.

"Oo, noong pinigilan ko ay lalo lamang nasira."

Tumango siya at may tiningnan sa ilalim. Lumuhod siya roon kaya halos mapapikit ako sa panghihinayang nang makitang nabasa ang suot niyang pantalon!

May pilit siyang inabot doon sa ilalim at may pinihit. Himalang nawala ang lahat ng tubig na sumasabog at tanging ang basang-basa na sahig at dingding ang bumungad sa amin.

He sighed. Umahon siya at pinagpagan ang mga kamay. Umatras ako at kinuha ang towel na nakasabit sa gilid ng pintuan.

"Pinatay ko lang iyong valve sa ilalim. Hindi pa rin ito maaaring buksan dahil baka bumaha rito sa unit mo," he looked at me.

Napalunok ako at inabot ang towel sa kaniya na maingat niya namang tinanggap. Tiningnan ko ang suot niya at basang-basa na iyon.

"I'm sorry, nabasa ka pa."

His jaw tightened. "It's okay. Kaya ko namang magpalit ng damit."

Tumango ako at akma pa sanang titingnan iyong faucet nang hawakan niya ang braso ko at umiling.

"Basa rito, baka madulas ka. Labas na tayo."

Nakagat ko ang dila at tumango. Pinauna niya akong makalabas kaya taranta pa akong naglakad palabas ng bathroom! Doon ko lang napagtanto na magkasama pala kami sa loob ng maliit na bathroom na 'yon!

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakatingin siya sa may couch habang nagpupunas ng mga kamay at braso.

"You going somewhere?"

Napatingin ako sa bag ko na nasa couch. "A-Ah–"

"Puwede ka naman sa unit ko," he cleared his throat. "Ipapaayos ko iyong gripo at habang ginagawa iyon..doon ka muna sa unit ko, pansamantala."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Pinakawalan niya iyon ng walang kahirap-hirap!

I quickly shook my head. Tumaas ang kilay niya.

"Hindi na! Paalis na rin kasi ako eh! Kaso ayan nga, nasira pa 'yang gripo." Umirap pa ako sa pinto ng bathroom.

"Saan ka pupunta?" Tumingin siya sa suot niyang relo. "It's almost 9PM?"

Kumalabog ang dibdib ko nang seryoso itong tumitig sa akin. It was like, I was looking at my Callista.

"Pauwi ako sa Batangas, sa amin."

I saw how Axel' lips parted. Nangunot ang noo ko.

"Bakit?" Ibinaba niya ang towel sa may lamesa at naglakad palapit sa akin. "Bakit ka uuwi?"

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now