Kabanata 11

38 4 0
                                    

Kabanata 11

Tahimik kong pinagmamasdan ang dress na nakahanger sa tabi ng salamin ko. Nakapatong din ang pumps sa may maliit na lamesa sa gilid ng higaan ko.

Paano kaya ako magiging mukhang presentable mamaya?

Ah! Yung make up!

Hinalughog ko agad ang cabinet na lagayan ng mga damit. Doon ko nga rin pala iniligpit ang mga ginamit ko sa mukha at buhok na pinahatid sa akin ni Jerace noong pumunta kami sa birthday party ng Daddy ni Axel. Mga bago pa ang mga iyon at binigay na agad sa akin. Galante talaga ang batang Walkins.

Maayos naman ang kinalabasan ng mukha ko noong gabing iyon at pinuri pa nga ako ni Jerace kaya..ako na lang ulit ang mag-aayos sa sarili ko.

Maagang tumawag sa akin si Axel kanina, buti na nga lang at maaga rin akong gumigising para ipaghanda ng pagkain at para gisingin na rin ang alaga ko.

Tiningnan ko ang bacon at piniritong itlog sa table. Ngumiti ako at tinabihan ko pa iyon ng gatas. Sinilip ko ang oras sa cellphone at malapit na mag alas cinco.

Tiyak akong kanina pa rin naman iyong gising dahil nagchat siya sa akin na huwag na raw akong umakyat sa kuwarto niya. Nag-aayos na raw kasi siya. Nakakapagtaka nga na ang aga palagi noon magising nitong mga nakaraang araw.

Umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko. Kunot-noo ko iyong kinuha at nagtatakang sinagot ang tawag niya.

"Bakit?" Sagot ko matapos kong tanggapin ang tawag.

"Good morning din!" Dinig ko ang panunuya roon. "Chenny talaga. Hindi mo ba alam ang rules kapag sumasagot ng tawag?"

"Alam ko pero hindi iyon applicable sa'yo."

"A-Aray ha!"

Nagulat ako. Bahagya ko pa iyong inilayo sa tainga ko bago muling binalik nang magsalita na naman siya.

"Saan ka ba pinaglihi?" Halata ang pagkairita niya sa akin kaya palihim akong tumawa. "Walang pinipili iyang ugali mo," dugtong pa nito sa mababang boses na pawang nasasaktan.

Rumolyo ang mga mata ko. Sinilip ko pa ang hagdanan at baka pababa na si Jerace, nakakahiya pag nahuli akong katawagan itong si Axel.

"Sorry," tumikhim ako. "Bakit ka ba kasi tumawag? Ang aga-aga, Axel. Mamb-buwisit ka na naman."

"Hoy hindi ah. Ipapaalala ko lang sa'yo na mamayang hapon na iyong pupuntahan natin–"

"Alam ko. Kasasabi mo lang kahapon."

"O-Oo nga! Gusto ko lang sabihin ulit. Hindi pala tayo nakapag-usap ng mga gagawin kahapon–"

"Buti naman naalala mo, ni hindi tayo nakapag-usap ng mga dapat nating gawin kaya bahala ka mamaya kapag hindi ko alam ang plano mo. Puro ka kasi kaartehan kahapon!" Naalala ko na naman ang mga nangyari.

"Okay, sorry! Okay? Nawala rin sa isip ko sa kapipilit sa'yong sumama sa akin kumain? Sino ba kasi ang papilit pa kahapon at aayaw-ayaw pa pero ang lakas namang kumain–"

Namula ang buong mukha ko. "Hoy, Axel! Sino ba kasi ang namilit pang kumain?!"

"O-Oh?" Tumikhim ito. "Chill. Masyado ng hot."

Bumuntong hininga ako at sinigurado kong dinig niya iyon.

"Ang lalim ah." Humalakhak ito. "Okay, kalma na. Ang aga kong gumising para rito, tapos aawayin mo ako?"

"At ako pa? Ikaw ang maagang tumawag tapos gaganiyan ka?"

Humalakhak ulit ang lalaki. "Sorry na nga. Sunduin na lang kita ng mas maaga tapos sa bahay ka na magbihis–"

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now