Kabanata 5

67 8 1
                                    

Kabanata 5

Sinilip ko ang paparating na sasakyan hanggang sa tumigil iyon sa may tabi ng gate. Ininatid pala ni Mang Gara si Jerace, kasama pa si Sir Drain, iyong crush ng babae.

Ano na naman kayang idinahilan nito?

Napailing ako nang makitang todo ang ngiti nito sa lalaki na wala namang pakialam. Iba talaga ang tama ng isang ito.

"Hello everyone!" Bungad agad niya nang makapasok ng bahay.

"Hello po, Ma'am! Ang aga niyo ah?" Pang-aasar ko, pero hindi ko naman pinahalata.

Ayaw niya kasing tinatawag ko siya sa ganiyan. Nagmumukha raw siyang matanda. Minsan ko lang din naman siyang tawaging ganiyan, kaya keri lang.

Maraming nakuwento si Jerace sa akin at palagi ko siyang pinapaalalahanan kung gaano kahalaga ang self-worth. Hindi por que nasanay siya na maghabol, ay palagi niya nang gagawin iyon. Hindi maganda sa isang babae ang paghahabol. Dapat tayong mga babae ay chill lang, at silang mga lalaki ang magkakandarapa na kuhanin tayo.

Diba? Ganoon iyon?

Ngunit makulit si Jerace. Inasar pa ako na baby girl ang tawag sa kaniya ni Axel. Napapailing ako habang natatawa sa kaniya.

Okay lang naman, crush ko lang naman ang lalaki. Nakikisabay lang talaga ako sa tuwing inaasar ako. Gusto ko rin kasing maramdaman niya na may karamay siya sa katauhan ko.

Hindi ako mababaliw kay sir Axel. Hanggang doon lang ako sa guhit. At hindi naman ako tanga para malaman ang agwat naming dalawa.

Bakit ba kasi ganito kapogi ang isang ito?!

Ngumuso ako nang makita ang instagram ni sir Axel. Hindi ko nga alam paano ako napadpad sa wall nito.

axldryr

6 posts• 11, 523 followers• 19 following

Axel Drey Raizin

Bawal stalker dito, shoo!

Nangunot ang noo ko sa nakalagay sa bio niya. Hindi ko in-expect na medyo jeje pala siya. Pero, okay lang..hindi naman big deal iyon.

Muli kong tiningnan ang followers niya.

Oh edi ikaw na. Ang famous na nga nito sa facebook, pati ba naman dito? Hindi siya nakaprivate na siyang ikinangisi ko. Buti na lang hehe.

Nasuway ko ang sarili nang maisip iyon. Tama ba itong ginagawa ko? Akala ko ba hindi ako mababaliw?

Oh bakit, iniistalk ko lang naman? Wala lang akong magawa eh. Saka tapos ko na lahat ng gawain dito sa bahay, natulungan ko na rin si Jerace sa mga homeworks niya.

Hmm, sige. Okay lang naman ito. Wala naman akong ibang ginagawa.

"Aaah! Chen, ano ba!" Sinabunutan ko ang sarili. Nakakabaliw, bakit ba ako nag-iisip ng ganito?!

Ngumuso ako at nilibot ang kuwarto ko. Maliit lang naman ito ngunit mas malaki sa kuwarto ko sa bahay. Ang bait-bait ng mag-asawang Walkins. Nakakatuwa na ganito nila tratuhin ang mga kasambahay.

Tumayo ako at sinarado na ang bintana, madilim na rin kasi, nalimutan kong isara kanina sa sobrang lunod sa paggamit ng cellphone.

Muli kong binalikan ang naiwan kanina. Tiningnan ko iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaheart na ako sa dalawang posts niya?!

"Hala! Kailan ko ito nilike?!" Nakakakaba pa naman sa Instagram dahil madouble tap lamang, matik na mal-like mo na!

Lumayo ako sa cellphone, huminga ako nang paulit-ulit bago muling tiningnan iyon.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now