Kabanata 18

49 5 0
                                    

Trigger warning: This chapter might contains upsetting events that may be harmful or traumatizing to certain people.

Kabanata 18

"Wala ba talaga? O baka naglilihim ka na sa akin, Chenny!" Jerace said, almost rolling her eyes at me.

I exhaled as I glanced at her, she was munching her fries while frowning at me.

"Wala nga! Ano ba ang iniisip mo?" Umupo ako at binaba na ang hawak na pitcher.

"I don't believe you. Eh bakit hinatid ka niya noong nakaraang madaling araw?"

Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Isa ito sa mga simpleng araw ko sa bahay ng mga Walkins matapos kong bumalik galing sa amin. Hindi pa naman ako pinababalik ni Ma'am Kate pero ginusto ko na agad dahil hindi na ako kumportable sa sariling bahay.

"Saan mo naman napulot 'yan?" Umirap ako. "Kumain ka na lang diyan dahil balita ko marami raw kayong hinabol deadlines," inusog ko ang plate na may lamang bacon.

"Sus! Ayaw mo lang talaga magkuwento sa akin! Sinabi ni Manang na hinatid ka ni Axel," ngumuso ito. "Sinasabi ko naman lahat ah? Bakit sa akin, malihim ka?"

Napasapo ako sa noo at tinitigan ang batang si Jerace, na kung tutuusin ay malapit na namang mag labing pitong taon pero mukhang labing dalawa pa rin.

"Eh ikaw nga, may eksena kayo palagi ni Drain tapos hindi mo man lang kinuwento sa akin, nagreklamo ba ako?" Pang-aasar ko sa kaniya.

Kung hindi pa nadadaldal sa akin ni Axel ay hindi ko pa malalaman. Pero ayos lang naman dahil hindi naman siya obligadong magkuwento palagi sa akin dahil choice niya naman iyon, ganoon din naman ako sa kaniya. Minsanan lang din magsabi, gaya nang ang dami nang nangyari sa akin pero kalahati lamang ang nakukuwento ko sa kaniya. Hindi naman sa malihim ako, hindi ko rin naman kasi makita ang dahilan para maistorbo pa si Jerace sa mga kuwento ko.

Sumimangot siya sa akin at tumayo na. "Okay! Alam mo namang nagkakamabutihan na kami ni Drain!" She suddenly smiled.

Natawa ako at hinintay ang sasabihin niya.

"D-Dinadalhan niya na ako ng mga snacks sa room," nahihiyang sinabi nito na ikinagulat ko pa dahil wala namang hiya si Jerace.

"Hmm, buti naman! Edi may gusto na siya talaga sa'yo?"

"Hmm! Syempre! Excited na tuloy ako sa foundation week kahit sa isang buwan pa! Pero, malapit na 'yon eh, patapos na naman ang buwan na 'to!" humalakhak siya at biglang natigil. "Iniiba mo usapan!" Umirap ito kaya natawa ako. "Basta magkuwento ka lang ah? Nandito lang ako palagi..uh alis na ako, Chenny!" She waved her hand before turning her back.

Pinanood ko pa siyang makalayo at natawa pa ako nang ngumisi siya sa akin nang tumunog ang phone niya, alam ko na agad kung sino ang tumawag.

Hindi na kasi nagpapahatid si Jerace sa akin, aniya'y kaya niya na raw saka para raw sunduin din siya ni Drain. Hindi naman na ako kumontra dahil mukhang magiliw talaga siya sa tuwing pumapasok.

Naalala ko na naman ang tinanong niya kanina. Si Ate Berna talaga, nabanggit pa iyon kay Jerace.

Hindi rin kasi ako makapaniwala sa ginawa ni Axel. Balak ko kasing gumising ng alas dos ng umaga para makabyahe ng maaga pabalik sa Manila.

"Nagana pa ba ang electric fan mo?" Si Papa nang matapos kaming kumain.

Sinaluhan ko siya sa hapag kahit na tapos na akong kumain bago man maglaba, tutal hindi rin naman ako nakakain ng ayos kanina. Saka hirap na hirap ako sa pagdadahilan sa kaniya about sa naging sugat at pasa ko sa may mukha. Buti na lang ay naniwala siyang nadulas lang ako sa Manila.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now